PAOLO, LUMAPIT PARA YAKAPIN SI BOSSING VIC, TINABIG AT DINEDMA
- BULGAR

- Jun 9, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | June 9, 2023

May tsika na mas posibleng makabalik bilang Dabarkads si Maja Salvador dahil nasa Kapatid Network na rin ito.
Kung nasabi natin dito noon ang tila pag-iwas ni Maja na banggitin ang name ng Eat… Bulaga! sa pag-promote niya ng kanyang show na Emojination, siguro naman this time ay alam na nating nasa panig siya ng APT Entertainment (ni Mr. Tony Tuviera) na tumatayong producer ng naturang show niya sa TV5 at for sure na kampi rin si Maja
kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Ay, siya nga pala, ano kaya ang reaksiyon nina Bossing Vic at Paolo Ballesteros sa kumakalat na video clip sa TikTok na diumano’y may isyu sa pagitan nila?
Noon kasing May 31 habang nagpapaalam sila sa EB!, may eksenang napansin ang mga netizens na tila tinabig o dinedma ni Bossing Vic si Paolo nang ito ay lumapit sa kanya upang yumakap.
Habang ang mga kasunod ni Paolo na sina Wally Bayola, Jose Manalo, Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon ay in-acknowledge at niyakap pa nga ni Bossing Vic.
So, ‘yun na nga. Marami tuloy ang nagtatanong kung galit ba o may isyu si Bossing Vic kay Paolo?!





Comments