Paolo, in-unfollow na si Yen, nag-private pa ng IG account

ni Lucille Galon @Entertainment News | June 20, 2024

Usap-usapan ang pag-unfollow ni Paolo Contis kay Yen Santos sa Instagram (IG) at bukod dito ay nag-private rin siya ng kanyang account.
Matatandaan na nu’ng May 2024 ay may tsismis na hiwalay na sila dahil dInelete ni Yen ang birthday greeting niya kay Paolo, pati ang kanilang photos na magkasama.
Sey nga ni Paolo noon sa 24 Oras sa balitang diumano’y hiwalay na sila ni Yen, “As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko, so I’d like to keep it personal, my personal life.”
Well, hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at Yen Santos? Baka after nito ay makita natin si Paolo na may kasamang "as a friend", sa Tagaytay naman.





Comments