top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Panthers, Barons at Republicans bumanat sa NBL President's Cup

BULGAR
Mar 14, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 14, 2022




Pinasaya ng Quezon Barons ang mga tagahanga at tinalo ang bisitang Las Pinas Lodis, 104-96, sa pagpapatuloy ng 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup hatid ng FSD Insurance at Converge Sabado ng gabi sa Quezon Convention Center ng Lucena City. Sa mga naunang laro, bumomba ng 51 puntos si Redel Fabro upang ipanalo ang Narvacan Panthers sa Cagayan Valley Water Buffalos, 119-99, at dalawang sunod na tagumpay na ang DF Bulacan Republicans matapos manalo sa FSD Makati Defenders, 102-87.

Sa kanilang unang laro sa sariling tahanan, kontrolado ng Barons ang buong laban subalit nakalapit ang Lodis na may 3:56 sa orasan, 90-93. Tumawag ang Quezon ng timeout at nagbunga ito ng pitong sunod-sunod na puntos upang makahinga ng maluwag papasok sa huling tatlong minuto, 100-90.

Nanguna sa Barons si Krooberg Best Player Domenick Vera na may 31 puntos. Sinuportahan siya ni Alex Ramos na ay 18 puntos at 12 rebound. Walang nakapigil sa init ng shooting na Fabro at may 22 puntos sa first half pa lang at lamang ang Panthers, 52-38. Pumalag ang Water Buffalos subalit tinuldukan ni Fabro ang kanyang palabas sa limang three-points sa fourth quarter at ibigay sa Narvacan ang pinakaunang panalo sa kasaysayan ng prangkisa.

Sa unang laro, nakuha ang Republicans ang maagang solong liderato ng liga at tinuruan ng leksyon ang mga baguhan ng Makati. Maganda ang simula ng Defenders kung saan ipinasok ni Laurenz Paul Victoria ang lahat ng kanilang unang 22 puntos upang lumamang, 22-14, subalit hindi natinag ang Bulacan at inilabas ang kanilang matinding opensa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page