Pantay na karapatan ang mag-asawa na pumili ng kanilang propesyon
- BULGAR
- Feb 24, 2022
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 24, 2022
Dear Chief Acosta,
Pinipigilan ako ng aking asawa na magtrabaho bilang tricycle driver dahil ito diumano ay hindi trabaho ng mga babae. May karapatan ba siyang gawin ito sa ating batas? - Myra
Dear Myra,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 19 (d) ng Republic Act (R. A.) No. 9710 o mas kilala sa tawag na The Magna Carta of Women, kung saan nakasaad na:
“Section 19. Equal Rights in All Matters Relating to Marriage and Family Relations. - The State shall take all appropriate measures to eliminate discrimination against women in all matters relating to marriage and family relations and shall ensure:
x x x
(d) the same personal rights between spouses or common law spouses including the right to choose freely a profession and an occupation;”
(Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nabanggit, malinaw sa batas na may pareho o pantay na karapatan ang mag-asawa na pumili ng kanilang propesyon o trabaho. Ibig sabihin, walang karapatan ang inyong asawang lalaki, na pigilan kayong pumili ng inyong trabaho, kung ito naman ay marangal, tulad ng pagiging tricycle driver.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Commentaires