top of page

Pantasya ng mga baklush… KELVIN, BAGONG ALJUR NG GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2024
  • 3 min read

Updated: May 31, 2024

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 30, 2024



Showbiz News
File photo: Kelvin Miranda

Dumating ang mga kaibigan at kapwa artista nina Kelvin Miranda at Kira Balinger mula sa GMA-7 at TV5 sa ginanap na premiere night ng kanilang pelikulang Chances Are: You & I sa SM Megamall last Tuesday bilang suporta sa mga bida ng first produced movie ng Pocket Media Productions, Inc..


Ilan sa mga dumalo ay sina Paolo Gumabao (na may bitbit na GF), Polo Ravales, Faith da Silva and Angel Guardian, Atty. Ferdie Topacio with his talents sa Borracho Talent Management, Kokoy de Santos, Jane de Leon at Iza Calzado (bilang suporta raw kay Kira).


Bago pa ang special screening sa 'Pinas at regular showing nito simula ngayong araw, May 29, ay una nang naipalabas ang Chances Are: You & I sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan kung saan nga nanalo pa ng award si Kelvin bilang Most Prolific Drama Actor.


Kaya siguro ganu'n na lang ang excitement ng mga artistang dumalo sa premiere na iisa ang sagot nang matanong ng host sa red-carpet na si DJ Jhai Ho kung ano ang nilu-look forward nila sa movie — at 'yun nga ay ang performance ng mga bida, especially ni Kelvin.


Sayang at hindi namin nakausap si Kelvin that night dahil umalis agad after ng screening, di sana'y naitanong namin dito kung na-pressure ba siya sa expectation ng mga kapwa artista lalo't katatapos nga lang niyang tumanggap ng award sa Japan.


Well, if we're to give a comment sa acting ni Kelvin, masasabi naming asset sana ang magaganda niyang mata na mapang-akit at tingin pa lang, kinikilig na hindi lang ang leading lady niyang si Kira kundi pati ang mga girlash at pa-girl na fans (LGBT members).


Pero gusto rin naming magpakatotoo na medyo nakulangan pa kami sa emosyon na ibinigay ni Kelvin sa kanyang mga eksena, na feeling naman namin ay kaya pang ma-improve sa mga susunod niyang projects kung mabibigyan ng mas challenging pang roles at matututukan ang kanyang pag-arte.


Actually, nakikita namin sa kanya si Aljur Abrenica lalo na sa pagsusuot ng leather jacket at pagpapapungay ng mga mata pero medyo stiff ang acting. Baka 'yun ang image na gustong i-project ni Kelvin o gustong ipagawa sa kanya ng GMA-7 since wala na nga naman sa Kapuso Network si Aljur.


But in fairness, bumawi naman si Kelvin sa kaguwapuhan dahil tuwing ikino-close-up ito sa big screen at nang ipakita ang topless body niya, nagsisigawan ang mga vaklah at panay ang sabing "Ang pogi ni Kelvin!"


Oh, 'di ba? Kaya malay natin, sa next movie ni Kelvin, mas malalim na acting pa ang maibigay niya.


Meanwhile, ang leading lady niyang si Kira Balinger, bukod sa napaka-pretty na parang

Kristine Hermosa ang datingan sa big screen ay magaling palang umarte at natural ang mga movements.


Batak na batak ang acting niya sa movie kahit sa mga crying scenes na naitawid niya nang maayos. 'Di na kami magtataka kung masusundan pa ang mga offers kay Kira after this movie.


Anyway, palabas na ang Chances Are: You & I simula ngayong May 29 mula sa direksiyon ni Catherine Camarillo.




Tao lang daw na nagkakamali…

BABAENG KASAMA NG FIANCE NI ANDI SA VIDEO, NAGSALITA NA


File photo

Matapos maglabas ng pahayag ni Andi Eigenmann sa kanyang social media account kaugnay ng pang-iintriga sa pagsasama nila ng fiance at tatay ng kanyang dalawang anak na si Philmar Alipayo dahil sa nag-viral na video nito na may kasamang ibang babae, nagsalita na rin ang girl na inuulan ngayon ng matitinding bashing mula sa mga netizens.


Sa kanyang Facebook post, nagpaliwanag itong si Crissa Liaging na walang flirting na nangyari sa pagitan nila ni Philmar base nga sa nag-viral na video na nakitang nag-uusap sila.


Maraming tao raw ang nagpapiktyur sa kanila ni Philmar at nasa pampublikong lugar sila.


Nagkamali lang daw siya na inilabas in public ang video at nilagyan pa ng background music na Weak kaya nabigyan ng malisya ng mga netizens.


"Tao lang po, nagkakamali," sabi nga ni Crissa sa kanyang FB post matapos i-bash dahil sa viral video nila ni Philmar.


Aniya pa, alam niyang pamilyadong tao si Philmar kaya 'di raw niya gagawing landiin ito katulad ng mga inaakusa sa kanya ng mga netizens. 


Na-overwhelm lang daw siya na kilala siya ni Philmar pero wala naman daw silang ibang napag-usapan kundi ang tungkol sa isa sa mga kasamang surfers ng fiance ni Andi. 



Nagkasabay lang din daw sila sa bar at nag-bonding kasama ang iba pang surfers. Wala raw siyang masamang ginawa at sadyang friendly lang siya, at ganu'n din naman si Philmar, kaya maaaring nabigyan lang ng malisya ng iba.


Well, sa image ni Andi na palaban at mukhang hindi naman martir, for sure, kung talagang niloloko siya ni Philmar, bago pa malaman ng mga netizens, eh, malamang siya na nga ang unang kumastigo sa tatay ng kanyang mga anak.

Kaya sa mga Marites, 'wag n'yo nang pangunahan si Andi at baka matampal kayo ng kanyang surfing board, hahahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page