top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Paninira sa Kapuso actress, ikinakalat sa socmed… MIKEE, PINAGKAKAISAHAN NG MGA FANS NG IBANG HOUSEMATES

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 21, 2026



Paninira sa Kapuso actress, ikinakalat sa socmed… MIKEE, PINAGKAKAISAHAN NG MGA FANS NG IBANG HOUSEMATES

Photo: IG Mikee



Dahil sa ginagawang panlalait at pamba-bash sa Kapuso actress na si Mikee Quintos ng mga supporters ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemates, naglabas ng statement ang GMA Sparkle Artist Management bilang babala sa sinumang nagnanais na manira. 


Napansin nilang mukhang pinagkakaisahan ng mga fans si Mikee. Sa lahat kasi ng housemates, si Mikee ang nagpakita ng kakaibang karisma sa mga viewers. Malakas ang kanyang impact kaya naman na-insecure at labis na nainggit sa kanya ang ilang kasama niya. 

Kaya, kumilos na ang mga fans and supporters ng ilang housemates upang siraan si Mikee. Kung anu-anong isyu ang kanilang ikinakalat laban sa kanya. 

Pero hindi papayag ang GMA Network na laitin at i-bash ang kanilang artista. Mino-monitor nila ngayon kung sinu-sino ang nasa likod ng demolition job laban kay Mikee.





Si Sen. Robin ang producer… 

MOVIE NI RENE BATERBONIA, ‘DI TINIPID



PUSPUSAN na ang shooting ng Rene Baterbonia movie na idinidirek ni BB Gandanghari. Sa bayan mismo ng Talacogon, Agusan del Sur kinunan ang maraming eksena kaya roon na rin nag-stay sina Jean Garcia, Ariel Rivera at Rommel Padilla na kabilang sa cast.

Si Jean ang gaganap bilang si Rovelyn Baterbonia, ang nanay ni Rene. Si Ariel Rivera naman ang gaganap bilang tatay nito at si Rommel Padilla ang coach at mentor ng basketball team. 

Dapat ay patapos na ang pelikulang Just a Kid with Big Dreams pero may mga aberya raw na nangyari sa set kaya na-delay ang shooting. Wala namang detalye na ibinigay ang production staff kung bakit tumagal ito. 

For sure, hindi naman tinipid ang budget ng movie dahil si Sen. Robin Padilla ang producer. Very cooperative naman ang mga residente roon, all-out ang suporta nila sa movie ni Rene Baterbonia.

BILANG bahagi ng 24th anniversary celebration ng Magpakailanman (MPK), isang espesyal na kuwento ang handog nito sa mga viewers. 

Ito ay pagbibidahan ni Jennylyn Mercado na gaganap bilang transwoman na dating OFW (Overseas Filipino Worker). 

May malubha siyang sakit kaya umuwi siya at bumalik sa kanyang pamilya. 

Mahirap ang role na gagampanan ni Jenn sa MPK, pero dahil subok na ang kanyang kakayahang umarte, kinaya niyang gampanan ang kanyang role. Mas gusto niya ang mga challenging scenes na susubok sa kanyang kakayahan.

NAGPASALAMAT ang buong cast ng Pepito Manaloto sa kanilang mga loyal viewers sa patuloy na panonood tuwing Sabado ng gabi. 

Last week ay throwback na episode ang kanilang ipinalabas, pero mataas pa rin ang ratings. 

Ngayon ay naghahanda na ang comedy-drama serye para sa special Christmas episodes. Makikita na naman ang mga naggagandahang Christmas decors sa bahay ng mga Manaloto.

Well, in real life, sobrang excited si Manilyn Reynes sa tuwing darating ang Pasko. Para siyang bata na tuwang-tuwa kapag maraming Christmas decors sa kanilang bahay. Hindi na niya kailangang bumili taun-taon dahil maayos niyang naitatago ang mga ginamit nila. 

May hatid na kakaibang saya ang Pasko para kay Manilyn at sa kanyang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page