Search
  • BULGAR

Paniningil ng interest sa perang ipinautang...

mahigpit na ipinagbabawal kung hindi naman napagkasunduan

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 26, 2020


Dear Chief Acosta,

Nagkasakit ang kapatid ko at kinakailangan niyang maoperahan. Dahil sa lumalaking gastusin sa ospital ay napilitan siyang mangutang sa isa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Napagkasunduan nila na ito ay babayaran sa susunod na buwan. Sa kasamaang-palad ay nagkaroon ng komplikasyon ang inoperahan sa kanya kaya hindi siya nakapasok sa trabaho at kinailangang magpahinga sa bahay. Dumating ang araw na kanilang napagkasunduan, ngunit dahil sa kawalan ng suweldo ay hindi nakabayad ang aking kapatid. Dahil hindi siya nakabayad, sinisingil na rin siya ng interest na wala sa kanilang napagkasunduan. Legal ba ang paniningil ng interest ng kanyang pinag-utangan? – Mik

Dear Mik,

Mahigpit na ipinapagbawal ng ating batas ang paniningil ng interest sa perang pinautang kung ito ay hindi napagkasunduan sa isang kasulatan. Ayon sa Article 1956 ng Civil Code of the Philippines:


“Art. 1956. No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing.

Mula sa iyong salaysay ay hindi maaaring maningil ng tubo o interest ang taong nagpautang sa iyong kapatid. Dahil dito, ang kailangan lamang niyang bayaran sa kanyang pinagkautangan ay ang halaga na kanyang nakuha dahil wala sa kanilang kasunduan ang pagbabayad ng interest. Higit sa lahat, walang anumang kasulatan sa pagitan nila hinggil dito.


Sana ay nasagot naming ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.