top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Paninindak ni Rigondeaux, hindi uubra kay Pinoy Casimero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2021
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 14, 2021



Sapol nang makatikim ng huling pagkatalo sa pro career, anim na sunod na panalo sa pamamagitan ng knockouts ang naiuwi ni reigning at defending World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion “Quadro Alas” John Riel Casimero; at sa pagkakataon ito, nais niyang pahabain pa ang winning streak kontra sa challenger na si 2-time Olympic gold medalist Guillermo “The Jackal” Rigondeaux ng Cuba sa Linggo ng umaga sa Pilipinas sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.


Determinado ang 3-division World titlist na isama sa listahan ng mga naging biktima ang 40-anyos na Cuban boxer, na may malupit na amateur at professional record, kung saan minsan itong naging lineal super-bantamweight ng talunin nito si “The Filipino Flash” Nonito Donaire noong Abril 2013.


Minsang nalasap ng 31-anyos na Filipino champion ang unanimous decision na pagkabigo sa kababayang si Jonas Sultan, na sasabak din bilang parte ng undercard match kontra kay Sharone “Smoke” Carter para sa 8-round 118-pound bout noong Setyembre 2017. Simula noon ay pinatumba na nito sina Mexican Jose Pech (2nd), Japanese Kenya Yamashita (6th), Ricardo Franco (12th) at Cesar Ramirez (10th) ng Mexico, Zolani Tete (3rd) ng South Africa at Duke Micah (3rd) ng Ghana.


I’ve stopped my last six opponents and Rigondeaux is next,” madiing pahayag ni Casimero (30-4, 21KOs) sa ginanap na final presser ng kanilang laban, kung saan matapos umano ito sa Cuban boxer ay isusunod niya ang mga naunsyaming laban sa kapwa kampeon na sina unified WBA super-world/IBF/The Ring titlist Naoya Inoue ng Japan at WBC title holder na si Donaire. “He’s ‘Finito’. If I finish Rigondeaux, then maybe Donaire or Inoue will be next,” dagdag ni Casimero.


Hindi naman nagpasindak ang dating 2000 Sydney at 2004 Athens Olympic bantamweight champion at renowned amateur boxer sa mga tirada ni Casimero. Sinabi na lang nitong magkaka-alaman na lamang sila sa ibabaw ng ring sa Sabado (Linggo PHL time).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page