Panic-buying sa gamot ang mamamayan dahil wa’ supply sa Health Center, ngek!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 06, 2022
KUNG MAY SUPPLY SA HEALTH CENTER, WALA SANANG PANIC-BUYING SA GAMOT—Kasabay nang pananalasa ng ‘Omicron’ variant ng COVID-19 ay nag-panic-buying ang mamamayan sa pagbili ng paracetamol hanggang sa wala nang mabili, naubos na ang mga panindang gamot sa lagnat, sipon at ubo sa mga botika.
Dapat imbestigahan ng Senado ang pagkaubos ng mga paracetamol, dapat imbestigahan ang Department of Health (DOH) kasi may budget para sa supply ng mga gamot sa mga health centers, pero nabisto ngayon na wala palang supply kaya nag-panic-buying ang mamamayan.
Sa totoo lang, kung sapat ang supply sa mga health center, hindi magpa-panic-buying, period!
◘◘◘
KASABAY NG PANANALASA NG OMICRON VARIANT, DALAWANG GAMBLING LORDS ANG NAG-OPERATE NG JUETENG AT LOTTENG SA BATANGAS—Kasabay ng pananalasa ng Omicron variant, nag-operate na rin ang jueteng at lotteng nina alyas Tisoy at Danao sa Padre Garcia at Balayan, kapwa sa Batangas.
Ganyan ka-bad ang mga gambling lords kasi may bagong variant na ngang nananalasa sa bansa, sasabayan pa nila ito ng panraraket sa mga taga-Batangas, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PAG-REJECT NI P-DUTERTE SA HUMAN RIGHTS INSTITUTE, PAGPAPATUNAY NA WALANG PAKIALAM ANG PANGULO SA KARAPATANG-PANTAO—Vineto o ni-reject ni P-Duterte ang budget sa Human Rights Institute (HRI) ng Commission on Human Rights.
Mainam sana ‘yan para magkakaroon ng kaalaman ng mamamayan tungkol sa kanilang karapatan, pero ang masaklap ay ibinasura ito ng pangulo.
Patunay ‘yan na walang pagpapahalaga si P-Duterte sa karapatang-pantao ng mamamayan, period!





Comments