top of page

Pangre-rape, ayaw ikuwento sa Senado… JINGGOY KAY SANDRO: SINASAYANG MO LANG ORAS NAMIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2024
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 20, 2024



Showbiz News
Photo: Sandro Muhlach / Sen. Jinggoy Estrada / Senate PH

Nairita, nagalit at nagbantang magwo-walkout si Sen. Jinggoy Estrada sa ginanap na Senate hearing kahapon nang tumanggi ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach, 23 yrs. old, na idetalye ang naganap na diumano'y sexual abuse sa kanya ng dalawang gay contractors ng GMA-7.


Kasalukuyan ngang dinidinig sa Senado ang rape case na inilapit nina Niño at Sandro sa Senate Public Information and Mass Media Committee sa pangunguna ni Sen. Robin Padilla.


Habang tinatanong ni Sen. Jinggoy si Sandro, halata sa tono ng boses nito na nainis nang sabihing, "Alam n'yo, kapag hindi natin tatapusin 'to, hahaba nang hahaba ito. You are wasting our time here, eh. Magsasalita ba kayo o hindi? Kung hindi, aalis na ako rito. Magsasalita ba kayo o hindi?" 


Ipinaliwanag naman ng abogado ni Sandro na si Atty. Czarina Raz na hindi pa puwedeng idetalye ng Kapuso actor ang naganap na panghahalay-pang-aabuso sa kanya nu'ng gabi ng July 21, 2024 kung saan naimbitahan nga raw ito sa hotel room nina Jojo Nones (TV director) at Richard "Dode" Cruz (writer) dahil 'di pa natatanggap ng mga akusado ang kopya ng isinampa nilang kaso sa DOJ kahapon.


Ang tanging naikuwento lang ni Sandro ay ang palitan nila ng mensahe sa text ni Jojo Nones at 'yung naabutan niya sa hotel room ang lasing na lasing na si Dode Cruz. 


Pero nang hiritan pa siya ni Sen. Jinggoy na idetalye ang mga sumunod na pangyayari ay tumanggi na ang binata.


Inulan naman ng mga negatibong reaksiyon mula sa mga netizens sa X (dating Twitter) ang naging pahayag na ito ni Sen. Jinggoy at ilan lang sa mga komentong nabasa namin ay ang mga sumusunod:


"Hindi naman kasi Senado ang appropriate venue para diyan. Pwede ba @senatePH, pakisabi kay Jingoygoy na 'yan, maghanap kayo ng ibang “resource person”. Kino-compromise n'yo ang kaso, eh, biktima na nga, binibiktima n'yo pa!"


"Ginawang Idol Tulfo 'yung Senate, may trauma pa sa victim, mga t*nga."

"Konting sensitivity needed kasi. For the victim it was a traumatic experience. Wala bang expert consulting these senators??? Anobayan!"


Naku, ha? Mukhang pagkatapos ng controversial statement ni Sen. Robin Padilla about marital rape, ang pagiging insensitive naman daw ni Sen. Jinggoy sa isang 'rape victim' ang umaani ng gigil ngayon ng mga netizens.


Ang saya-saya talaga sa 'Pinas! Char!



Gustong maging good influence ng kabataan…

CHAVIT, 'DI IBIBIGAY KAY YULO ANG P5 M HANGGA'T 'DI NAKIKIPAGBATI SA MAGULANG


Chavit Singson at Carlos Yulo

MASAYANG-MASAYA rin si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson nang ibalita sa amin kahapon sa opening ng 12th branch ng BBQ Chicken sa Festival Mall sa Ayala, Alabang na tuluy-tuloy sila sa pagbubukas ng mga franchise ng Korean barbecue chicken sa Metro Manila at in 5 years, target nga raw nilang makapagbukas ng 200 stores all over the Philippines.


Bongga naman dahil ibig sabihin lang nito, dagdag-trabaho sa maraming Pinoy na itine-train pala ng kumpanya ni ex-Gov. Chavit para maging mga crew at cook para sa iba't ibang branches nila ng BBQ Chicken.


Bukod kay ex-Gov. Chavit, present din sa opening and ribbon cutting kahapon ang mga anak niya kabilang si Ako Ilokano Partylist Rep. Richelle Singson, na nakapanayam din namin tungkol sa business ng kanilang pamilya at sa pagiging ama ng dating public servant-turned businessman.


Sa interview naman namin kay Gov. Chavit, kinumusta namin sa kanya ang P5 M incentives na ibibigay daw niya sa Paris Olympics 2024 two-time gold medalist na si Carlos Yulo at sa pamilya nito.


Sagot sa amin ni Gov. Singson, ayon daw sa pamilya ni Carlos ay hindi pa kumokontak sa kanila hanggang ngayon ang double gold medalist, kaya until now, hindi pa rin niya ibinibigay sa pamilya Yulo ang P5 M na inalok niya.


Ang kondisyon daw kasi ni Gov. Chavit, kailangang makipagbati muna si Carlos sa kanyang mga magulang at magpakumbaba para magkaayus-ayos na sila bago niya ibigay ang P5 M.


Hanga raw siya sa galing ni Yulo pero gusto rin niyang makita na maging mabuting impluwensiya ito sa kabataan kung paano itrato nang tama at pahalagahan ang pamilya.


At siguro, kapag ginawa 'yan ni Carlos at nakita ni Gov. Chavit na nakipagbati na siya sa kanyang pamilya, posible rin daw siyang kunin bilang first local endorser ng BBQ Chicken.


Oh, ha? Bongga rin 'yun 'pag nagkataon dahil first time double gold medalist na siya ng 'Pinas, siya pa rin ang magiging first local ambassador ng BBQ Chicken na may more than 3,500 stores na pala all over the world!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page