top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pangmatagalang solusyon sa taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo, next na sana sa ayuda

BULGAR
Jun 11, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 11, 2022


Sa gitna ng inaasahang pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo, inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na target nitong maipamahagi ang P500 ayuda para sa mahihirap na pamilya bago matapos ang buwan o ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon sa DSWD, ilan sa 12.4 milyong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at social pension ang makatatanggap ng ayuda.


Inaayos na umano ang mga dokumento upang masimulan ang distribusyon, kung saan inaalam na kung ilang benepisaryo ang may existing cash cards upang unang mahatiran ng unang tranche ng ayuda.


Gayunman, hindi nabanggit kung hanggang kailan tatagal ang pamamahagi subsidiya. Ngunit matatandaang unang sinabi ng mga awtoridad na tatagal lamang nang tatlong buwan ang programa dahil sa limitadong pondo ng gobyerno.


Matatandaang, kalagitnaan ng Marso ngayong taon, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang buwanang subsidiya sa mahihirap na pamilya dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, gayundin ang mga pangunahing bilihin.


Sabi nga, pahirap nang pahirap ang buhay ngayon. Kung kailan puwede nang maghanapbuhay, panibagong hamon naman ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Ang ending, kapos sa budget kahit anong sikap na magtipid.


Batid nating hindi pangmatagalang solusyon ang ayuda dahil kahit ano’ng mangyari, kailangan pa ring maghanapbuhay. Gayunman, malaking tulong ito para sa mahihirap na pamilya, kaya sana’y walang aberya sa pamamahagi ng ayuda.


Hindi natin gustong umasa lamang sa gobyerno, pero sana, ang kasunod ng ayuda ay pangmatagalang solusyon na sa mga problema.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page