top of page

Panghuhuli ng mga isda na hindi panghanapbuhay, hindi na kailangan ng permit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 28, 2020


Dear Chief Acosta,


Nakahiligan kong mamingwit ng isda sa mga ilog at lawa sa aming lugar tuwing libre ako sa oras. Hindi naman ito madalas at hindi ko rin ibinebenta ang aking mga nahuli dahil kaunti lamang ito, ngunit ako ay nabahala noong may nakapagsabi sa akin na bawal diumano ito kapag ako ay walang permit para rito. – Ramon


Dear Ramon,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R.A.) No. 8550, as amended o “An Act Providing For The Development, Management And Conservation Of The Fisheries And Aquatic Resources, Integrating All Laws Pertinent Thereto, And For Other Purposes.” Nakasaad sa nasabing batas na:


“Section 86. Unauthorized Fishing. – (a) It shall be unlawful for any person to capture or gather or to cause the capture or gathering of fish, fry or fingerlings of any fishery species or fishery products without license or permit from the Department or LGU.
Except in cases specified under this Code, it shall also be unlawful for any commercial fishing vessel to fish in municipal waters.
The discovery of any person in possession of a fishing gear or operating a fishing vessel in a fishing area where he has no license or permit shall constitute & prima facie presumption that the person is engaged in unauthorized fishing: Provided, That fishing for daily food sustenance or for leisure which is not for commercial, occupation or livelihood purposes may be allowed.” (Binigyang-diin)

Malinaw na nabanggit sa batas na hindi ninyo kinakailangang kumuha pa ng permit kapag ang inyong pamimingwit ng mga isda sa ilog at lawa sa inyong lugar ay hindi naman panghanapbuhay o pinagkakakitaan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page