Pangalan ng maid ang ginamit… DINGDONG, AYAW MAGPAKILALA NANG UMORDER NG SEAFOOD SA KAPWA AKTOR
- BULGAR

- Jul 1, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | July 01, 2020

Nagde-deliver muna ng seafood si Kapuso actor Neil Ryan Sese habang hindi pa nagri-resume ang taping ng Descendants of the Sun. Ang mas nakakabilib kay Neil at sa mga riders ng K&G Seafood, bike ang gamit nila at hindi motorsiklo.
May mga partner bikers si Neil na sabi nito, mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic. Tuwing o-order sa K&G Seafood, ang shipping cost ay ibinibigay sa partner bikers para makatulong sa pamilya ng mga ito.
Sa interview sa 24-Oras, pinasalamatan ni Neil ang mga kaibigang artista na tumulong i-plug ang K&G Seafood kabilang si Solenn Heussaff. Pinasalamatan din nito sina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes na nag-order sa kanila.
Kuwento ni Neil, nang mag-order si Dingdong, hindi nito pangalan ang ginamit kundi pangalan ng kasama sa bahay. Nalaman na lang niyang si Dingdong dahil sa address at siguro, noong nasa bahay na siya ng aktor.





Comments