top of page

Pang-Oscars daw… RURU AT DENNIS, ‘DI MAKATULOG SA KABABASA SA MGA KOMENTO SA MOVIE NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 28, 2024



Photo: Ruru at Dennis sa Green Bones - IG @Ruru Madrid


Bongga si Alden Richards dahil nagpa-block screening pa siya ng pelikulang Green Bones (GB) bilang suporta sa bidang si Dennis Trillo na co-star niya sa Pulang Araw (PA).


Ginanap ang block screening last Thursday sa isang mall na dinaluhan of course ni Dennis at ng co-star niya sa GB na si Ruru Madrid. Siyempre, present din mismo si Alden.


Ayon sa report ng 24 Oras, na-curious din daw si Alden sa mga nababasang magagandang reviews ng pelikula.


“Excited akong mapanood kasi parang the movie is very interesting from its trailer and siyempre, support tayo sa mga fellow Kapuso actors natin na sina Mr. Dennis Trillo and Ruru Madrid,” sey ni Alden.


Samantala, hataw sa pag-iikot sina Dennis at Ruru last Thursday sa dami ng block screening para sa kanilang pelikula. Noong umaga ay nasa Pampanga sila para sa block screening na inorganisa ni Beautederm CEO Rei Anicoche-Tan kung saan ay endorser si Ruru. 


Pagkatapos ng Pampanga ay diretso naman sila sa Quezon City para sa media screening ng pelikula na dinaluhan ng ilang entertainment editors and writers. After nito ay tumakbo naman sila sa pa-block screening ni Alden.


Hanggang ngayon ay walang humpay ang magagandang reviews para sa pelikula kaya naman masayang-masaya ang dalawang aktor. 


Sa opening day pa lang last December 25 ay trending na ito sa X (Twitter) hanggang kinabukasan.


Since its showing, napakaraming papuri na ang natanggap ng pelikula mula sa mga nakapanood na at talagang pinag-uusapan ang napakahusay na pagganap nina Dennis at Ruru.


Kaya naman, parang nasa cloud nine sina Dennis at Ruru nang makatsikahan ng press last Thursday sa media screening na ginanap sa Cinema 76. 


Sey nga nila, hindi raw sila nakatulog sa kababasa ng magagandang comments.


“Grabe, sobrang nakakataba po ng puso at sabi ko nga, pinag-uusapan namin ni Kuya Dennis, hindi kami nakatulog, eh. Kasi kakabasa, lagi pong may bago at hanggang ngayon, wala pa po kaming nababasang. . .alam mo ‘yun, parang negatibong komento. It’s all praises at kung gaano sila naapektuhan sa pelikula, ano ‘yung mga realizations nila, ano ‘yung pakiramdam nila after nilang panoorin. Grabe, sobrang nakakataba po ng puso,” sey ni Ruru.


Isa nga raw sa best comments na nabasa nila ay ‘yung pang-OSCAR daw ang pelikula dahil sa ganda nito.


“Nabasa namin ni Ruru ‘yung tungkol sa pag-mention niya (netizen) ng Oscar, sana raw, kung meron daw entry ang Pilipinas sa Oscar, ito na raw ‘yun. Parang wow! Sarap lang sa pakiramdam,” sey ni Dennis.


Sabi naman ni Ruru, “Grabe, Oscar-worthy. Parang ‘yun na ‘yun, ‘di ba? Sabi ko nga, para po sa ‘king first MMFF, grabe, I’m just very grateful na makasama ko ang… grabe, para sa ‘kin, si

Kuya Dennis na ang pinakamahusay na nakatrabaho ko sa lahat.”


Kahit nga maraming nagsasabi na deserve na deserve ni Dennis ang Best Actor award, aniya ay hindi raw niya ito iniisip at nagpapasalamat na siya’t napasama sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula na first venture rin nila ng misis na si Jennylyn Mercado sa pagpo-produce.


“Ayokong magpa-stress sa pagalingan. Ayokong magpa-stress sa paligsahan. Gusto ko lang, i-enjoy lahat ‘to dahil winner na ‘yung pakiramdam na napili ‘to sa daan-daang entries na nag-submit kaya du’n pa lang, blessed na, feeling blessed kami pareho,” ani Dennis.


Ikinatuwa nga rin ng dalawang aktor na bawat araw ay nadaragdagan ang sinehan ng GB. From 47 cinemas noong December 25 ay naging 69 ito kinabukasan. At kahapon (Friday) ay 80 cinemas na ito.


Patunay ito na talagang pinapanood at hinahanap ng mga tao ang pelikula dahil na rin marahil sa magagandang reviews na natatanggap nito sa lahat ng social media platforms.



NAPANOOD namin ang isa pang entry sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na Topakk na pinagbibidahan naman nina Arjo Atayde and Julia Montes at talaga namang pinahanga rin kami ng dalawa sa ipinamalas naman nila sa movie.


Parehong napakahirap ng role nina Julia and Arjo lalo na nga ang aktres na ngayon lang namin napanood sa isang hard-core action film. Pero nagampanan nila ang hinihingi ng pelikula with flying colors.


Ibang lebel naman ng action film ang Topakk, one-of-a kind, actually. If you love hard-core action film, watch this at hindi kayo magsisisi. 


Hindi ka halos makakahinga sa walang humpay na action scenes mula simula hanggang katapusan. Halatang ginastusan, hindi tinipid. Chase scenes, blastings, shootouts, stunt works, matitinding fight scenes, name it, nandiyan lahat. 


Dito ay pinatunayan ni Julia na kaya rin niyang maging Action Queen at sabi nga ng producer ng Nathan Studios na si Sylvia Sanchez, may naka-line-up na agad silang follow-up movie sa aktres next year.


Mula sa direksiyon ni Richard Somes, Topakk is a must-see for all action film lovers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page