Pang-lima na, Aljur… AJ, BUNTIS NA NAMAN DAW, OUT SA MOVIE
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 22, 2026

Photo: IG _ajravsss
Si AJ Raval pala ang aktres na binabanggit sa ilang blind items na hindi na matutuloy na magbida sa isang pelikula dahil preggy daw ito ngayon. Hindi pa ito inaamin ni AJ, pero base sa ilang photos niya na lumabas sa social media recently, halata na ang kanyang baby bump at hindi na maitago.
May apat na anak na ang aktres at madaragdagan na naman ngayong buntis na naman siya. Marami tuloy ang nanghihinayang dahil pinalampas na naman niya ang isang oportunidad. Bida na sana siya sa isang pelikula, naging bato pa.
Tanong tuloy ng mga netizens, bakit parang hindi seryoso si AJ Raval sa kanyang showbiz career? Mas importante ba sa kanya ang mag-alaga na lang ng kanyang mga anak kaysa sa kanyang pagbabalik-pelikula?
Plano ba nila ni Aljur Abrenica na magtayo ng child care center kaya gusto nila ng maraming anak? Kakayanin ba nilang suportahan ang kanilang mga anak kapag wala na silang career?
Taob si Gretchen…
RICKY REYES, TOP 5 CELEB BILLIONAIRE
SILENT billionaire ang tawag ng ilang online pages sa beauty guru-host na si Ricky Reyes.
Ayon sa isang online celebrity wealth ranking, kabilang si Ricky sa Top 5 celebrities na may pinakamataas na tinatayang net worth sa Pilipinas.
Nanguna si Manny Pacquiao na may tinatayang net worth na P21.66B, sinundan ni Willie Revillame na may P6.93B, si Ricky Reyes na may P2.80B, Gretchen Barretto na may P2.71B, at Sharon Cuneta na may P2.60B.
Pang-anim naman si Bea Alonzo na may tinatayang P2.43B.
Ayon sa naturang online ranking, ang mga halagang ito ay estimated net worth lamang na nakabatay sa mga impormasyong available sa publiko at maaari pang magbago depende sa kanilang mga negosyo, investment, at iba pang ari-arian.
Hindi ito opisyal na wealth ranking o financial disclosure.
MARAMING fans ang nagtataka at nagtatanong kung bakit daw pumayag ang Kapuso actor na si Rocco Nacino na gumanap na kontrabida sa upcoming action seryeng Hari ng Tondo (HNT) na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Dennis Trillo.
Pambida pa rin naman ang porma ni Rocco. Kaya niyang gumanap sa anumang klaseng role. Malaking challenge para sa kanya ang gumanap na kontrabida, first time niya itong gagawin sa HNT.
Sanay ang publiko na napapanood si Rocco sa mga wholesome roles, pero gusto niyang mag-grow as an actor. Malaking hamon ito sa kanyang kakayahan.
Hindi naman siya image-conscious. Ang mahalaga ay may projects pa rin siya na hahasa sa kanyang galing sa pag-arte. Gusto niyang ma-experience kung paano umarte bilang kontrabida at maging bad boy.
Magandang project ang HNT na hindi dapat palampasin. Magagaling ang kanyang mga kasamang aktor sa pangunguna nina Dennis at Ruru.
Nag-a-adjust na siya nang husto upang maging realistic ang kanyang pagiging kontrabida, para naman kahit paano ay makasabay siya sa galing umarte ng dalawang aktor.





Comments