‘Pang-baon’ sa mga elementarya, fake news
@Editorial | Marso 8, 2024
Binigyang-linaw ng Department of Education (DepEd) na fake news ang kumakalat sa social media na ‘pang-baon’ sa mga elementary students.
Agad na pinabulaanan ng DepEd ang isang social media post na pagkakalooban umano ang mga mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang Grade 6 ng ‘pang-baon’.
Nakasaad pa na bago makuha ang ‘pang-baon’ ay kailangan munang magpakita ng school ID habang ang deadline umano ng pagsusumite ay sa Marso 30, 2024.
Ayon sa pahayag ng kagawaran, mahigpit nilang pinapaalalahanan ang mga magulang at guardians na ‘wag ibibigay ang school informations ng kanilang mga anak upang hindi makompromiso ang kanilang seguridad.
Kaya sa mga magulang, malinaw ang pahayag ng DepEd na hindi namimigay ang ahensya ng ‘pang-baon’ sa mga elementarya.
Panawagan naman sa publiko, magbasa at maniwala lamang sa mga lehitimong social media page ng mga ahensya at ‘wag basta maniniwala sa mga nakikita sa internet.
Huwag hayaang mabiktima ng mga taong walang magawa sa buhay.
Hamon naman sa gobyerno, hulihin at panagutin ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news. Hindi na nga nakakatulong, perhuwisyo pa ang dala sa taumbayan.



Comments