top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pang-aabuso sa OFWs, dapat palagan ng gobyerno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31, 2023
  • 1 min read

@Editorial | March 31, 2023


May mga kaso pa rin ng pang-aabuso sa mga Pinoy na nagtatrabaho abroad.


Katulad ng 35 overseas Filipino workers (OFWs) na sapilitan umanong pinagtrabaho sa bansang Namibia sa Africa bilang kolektor ng mga shark fin.


Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nakauwi na ng bansa ang mga nasabing OFWs na karamihan ay mga taga-Ilocos na magtatrabaho sana sa Taiwan bilang mangingisda. Pero sa halip na Taiwan, napadpad sa Namibia ang mga naturang Pinoy at puwersahan umanong pinakukuha ru’n ng mga palikpik ng pating.


Batay sa international law at sa batas ng Namibia, ipinagbabawal ang shark finning.


May human trafficking at forced labor umanong naganap sa kasong ito dahil pinagtatrabaho sila nang 24 oras na walang overtime. Matagal din umano nilang natatanggap ang kanilang sahod.


Hanggang sa nasagip ng mga awtoridad sa Namibia ang nasabing mga OFWs at agad na pinauwi sa bansa.


Marapat lang kumilos ang gobyerno at sampahan ng kaso ang mga sangkot, kabilang ang mga ahensyang kumuha sa mga biktima.


Batid naman natin na hindi ito ang unang pagkakataon na may mga OFWs na inabuso, marami na at patuloy pa rin itong nangyayari. Kaya ang apela sa gobyerno, maging matapang na ipaglaban ang mga inaabuso.


Hindi matatawaran ang serbisyo at katapatang naibibigay ng mga Pinoy saang bansa man mapunta, kaya walang dahilan para maliitin, saktan o abusuhin ang mga manggagawa na nakikipagsapalaran abroad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page