top of page

Pang-aabuso sa mga manggagawa, itigil na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 7, 2026



Editoryal, Editorial


Ang pagsalakay sa ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Mexico, Pampanga ay hindi lang isyu ng kontrabando. 


Isa itong lantad na kaso ng pagsasamantala sa kapwa Pilipino. Mahigit 60 manggagawa ang pinangakuan ng sahod na P15,000 kada buwan, ngunit hindi naman tinupad at pinilit silang magtrabaho sa 'di makataong kalagayan.


Hindi dapat ituring ang kasong ito bilang simpleng smuggling o paglabag sa buwis. Isa itong malinaw na pagyurak sa karapatang pantao at karapatan ng manggagawa. Sila ay mga biktima ng sistemang bigong magbigay ng sapat na proteksyon at agarang aksyon.


May mga batas ang bansa laban sa human trafficking at labor exploitation, ngunit paulit-ulit itong nababalewala dahil sa mahinang pagpapatupad. 


Hangga’t nakakalusot ang ganitong uri ng operasyon, mananatiling bulnerable ang mga manggagawa—lalo na ang mga mahihirap at desperado sa trabaho.


Ang karapatan ng manggagawa ay hindi pabor—ito ay obligasyon ng estado na ipatupad at ipagtanggol. 


Panahon nang itigil ang pagsasamantala at panagutin ang mga may sala, hindi lamang isara ang pabrika at kalimutan ang mga biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page