top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

Panelo, papanagutin? ‘Lokohan’ remark, ipasuri sa impeachment court

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by BRO @News | September 26, 2026



Panelo, papanagutin? ‘Lokohan’ remark, ipasuri sa impeachment court

Photo: Atty. Paolo Panelo / FB



Ipinasusuri ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa Senate impeachment court kung dapat bang papanagutin si lawyer Paolo Panelo sa pagsasabing may “lokohan” sa impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte.


Ayon kay Abante, dapat tingnan kung paglabag sa sub judice rule ang naging pahayag ni Panelo, na tagapagsalita ni Duterte.


“Talagang sinabi ni Atty. Panelo, ‘May lokohan dito.’ Dapat talaga siyang managot sa impeachment court,” ani Abante nitong Huwebes.


Kinuwestiyon ni Panelo ang naging desisyon ng impeachment court sa bilang ng boto na kailangan para ma-convict si Duterte.


Matatandaang bumoto ang mga senator-judge ng 13-1, habang anim ang hindi nakilahok, para baguhin ang dating interpretasyon sa two-thirds requirement.


Sa bagong ruling, ibabase ang bilang ng boto sa mga senador na legal at aktuwal na makakalahok sa proceedings.


Dahil dito, sinabi ni Abante na dapat ding tingnan ng impeachment court ang mga pahayag ni Panelo dahil abogado ito at opisyal na tagapagsalita ng bise presidente.


Mas mahigpit na rin ang pagpapatupad ng sub judice rule ng impeachment court mula Agosto. Nauna nang pinadalhan ng show-cause orders ang dalawang miyembro ng prosecution panel dahil sa kanilang mga pahayag tungkol sa kaso.


Para kay Abante, panahon na umanong magsalita ang mga senator-judge at alamin kung dapat managot si Panelo sa kanyang mga sinabi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page