top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Panawagan sa mga kandidato, 'wag magpatayan

BULGAR
Mar 23, 2022
1 min read

@Editorial | March 23, 2022



Sa Marso 25, aarangkada na ang kampanya sa lokal na kandidato.


Kaugnay nito, inaasahan ng Philippine National Police (PNP) ang mas mainit na political rivalry.


Kaya pinaalalahanan ang mga kandidato at kanilang mga supporters na istriktong obserbahan ang mga protocol sa pagsasagawa ng mga political assemblies.


Payo sa mga campaign organizer na makipag-ugnayan sa kapulisan para sa security at crowd control. Lahat ay dapat na maging disiplinado at maingat.


Iwasan na rin ang pagdadala ng malaking halaga ng pera at alahas, bagay na nakakalungkot dahil tayo pa talaga ang mag-a-adjust sa mga kawatan.


Samantala, tiniyak naman ng PNP na patas na proteksyon ang ibibigay sa mga incumbent na kandidato at maging sa kanilang mga kalaban sa pulitika.


Kaugnay naman ng personal na seguridad ng mga kandidatong may beripikadong banta sa kanilang buhay, ide-deploy ng PNP ang kanilang security detail kung aprubado ng Comelec ang kanilang request.


Tuwing eleksyon, sadyang hindi na nawawala ang patayan sa ilang lugar.


Hindi naman sapat ang puwersa ng gobyerno para mabantayan ang lahat. Kaya ang pakiusap sa bawat kandidato, maging patas, walang gamitan ng pera at impluwensiya.

Iwasan na ang madugong halalan alang-alang sa ating mga anak.


Walang mabuting naidudulot ang karahasan. Tandaan natin, isa lang ang buhay, gamitin natin nang makabuluhan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page