top of page

Pananagutan ng isang nagmamay-ari ng hayop

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 19, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 19, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay may alagang pusa na sa kinasamaang-palad ay nakatawid sa aming kapitbahay. Ito ay natuwa sa mga halaman ng aming kapitbahay at nasira ang ilan sa mga ito kasama ang ilang mga paso. Ngayon, kami ay sinisingil ng danyos ng aming kapitbahay. Aming ipinaliwanag na hindi naman namin ninais na manira ang aming pusa at kami ay humingi ng pang-unawa, ngunit ayaw nilang pumayag. Sinisingil pa rin nila kami ng halagang P10,000 bilang danyos. Tama ba ito? – Gloria


Dear Gloria,


Ang sagot sa iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Purita Miranda Vestil and Agustin Vestil v. Intermediate Appellate Court, David Uy and Teresita Uy, G.R. No. 74431, November 6, 1989, Ponente: The Late Honorable Associate Justice Isagani A. Cruz, kung saan binigyang-linaw ng Korte Suprema ang pananagutan ng isang nagmamay-ari ng alagang hayop. Ayon sa Korte Suprema:


“Article 2183 reads as follows:


The possessor of an animal or whoever may make use of the same is responsible for the damage which it may cause, although it may escape or be lost. 'This responsibility shall cease only in case the damages should come from force majeure from the fault of the person who has suffered damage.


According to Manresa the obligation imposed by Article 2183 of the Civil Code is not based on the negligence or on the presumed lack of vigilance of the possessor or user of the animal causing the damage. It is based on natural equity and on the principle of social interest that he who possesses animals for his utility, pleasure or service must answer for the damage which such animal may cause.”


Gaya sa kaso ng iyong alagang pusa, ang danyos na kanyang idinulot sa iyong kapitbahay ay nararapat lamang na bayaran alinsunod sa Artikulo 2183 ng New Civil Code. Ayon sa Korte Suprema, ito ay karampatan lamang at alinsunod sa prinsipyo na ang nangangalaga ng isang hayop ay nararapat na may pananagutan sa anumang danyos o pinsala na maaaring magawa ng nasabing alagang hayop.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page