Pananabotahe sa eleksiyon, bantayan!
ni Ka Ambo - @Bistado | January 31, 2022
INILAGAY na sa Alert Level 2 ang NCR at iba pang lalawigan.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
NORMAL na kasi ang takbo ng buhay sa ibang bansa.
Pilipinas na lang ang abnormal!
◘◘◘
DINEDEDMA na ng mga tao ang COVID-19.
Natuklasan nilang hindi totoo na “walang gamot” ang COVID-19.
Malinaw na nasira ang kredibilidad ng mga eksperto!
◘◘◘
KABUHAYAN o ekonomiya na ang pokus ng mga tao.
Hindi na kalusugan ang prayoridad, bagkus ay kung paano na magkakaroon ng datung!
◘◘◘
HINDI na rin umaasa sa gobyerno ang mga tao.
Nakumpirma nilang hindi ito maaasahan sa panahon ng krisis.
Kani-kanya pa rin ng gawa ng paraan ang mamamayan!
◘◘◘
UMAALBOROTO na naman ang Bulkang Taal.
Bago mag-COVID-19 ay sumabog ang Taal.
Ngayon, maglalalaho na ang COVID-19 umeeksena na ulit ang Taal volcano!
◘◘◘
LUMINDOL din sa Zambales.
May kinalaman kaya ito sa Bulkang Pinatubo?
◘◘◘
NAG-AAWAY ang mga Comelec commissioners.
Maaaring may lihim na grupo na sirain ang kredibilidad ng Comelec!
◘◘◘
DELIKADO ang ganyang senaryo, sapagkat posibleng magbunsod ito ng kalituhan at kaguluhan.
Marami ang nagsasabing “orbit” na lang si BBM na ang ibig sabihin, hindi na bababa pa sa 50 percent ang kanyang iskor sa mga survey!
◘◘◘
INILALARAWAN ang resulta ng mga opinion survey na “irreversible”.
Ibig sabihin, wala nang iba pang paraan upang pigilan ang pagbabalik ng Marcos sa Malakanyang!
◘◘◘
SAKALING sirain ng mga kaduda-dudang grupo ang kredibilidad ng Comelec, maaaring biglang mabruka o mabalewala ang resulta ng eleksiyon.
Hindi ito biro, dapat itong imbestigahan.
Maaari kasing imaniobra ng mga anti-Marcos ang pagwasak sa reputasyon ng Comelec kung saan kakambal nito ang pagsira sa integridad sa national canvassing!
◘◘◘
MASELANG ang 2022 election sapagkat nangingialam dito maging ang mga dayuhan.
Name your price ang usapan dito.
Ibig sabihin, posibleng “hara-kiri” na ang mga kalaban ng Pamilya Marcos — lahat ng paraan ay gagawin para lang hindi makabalik ang mga ito sa Malakanyang!
◘◘◘
MAHALAGANG maunawaan ito ng lahat.
Nasa kamay ng mga Comelec commissioners kung magpapagamit sila sa mga “partisan politics”.
Mahalagang maipreserba ang kalinisan ng eleksiyon — ‘yan kasi ang kaluluwa ng demokratikong institusyon.
Hangga’t maaga, dapat ilantad sa publiko kung sinu-sino ang lihim na naghahangad na isabotahe ang 2022 election.
Kasalanang mortal ito na walang kapatawaran!





Comments