Panalangin para sa kagalingan at kapayapaan
ni Fr. Robert Reyes - @Kapaayapaan / Patakbo-takbo | March 27, 2022
Halos 22 taon nang nakararaan nang sumulat si Jaime Cardinal Sin sa Mahal na Birheng Maria.
Ito ang kanyang sinulat.
Dear Mary,
You cured me of asthma and helped me to be a priest. I placed my letter under your statue as a gesture of my plea for your motherly care. All my life I will always tell people of how good you are to me.
I am here again to place my letter under your feet. My prayer is not for my health. My prayer is not for me. I pray for the Philippines, the country I love, the pueblo amante de Maria. Mother Mary give us leaders like Jesus, honest, God fearing and God loving, and exemplary in their life. Strengthen then our president to make the supreme heroic sacrifice to resign for the sake of the people.
I know you will grant us this plea. I am now cured from asthma. Heal our land from the sickness of immoral leaders.
I will not give up in telling the whole world how beautiful and loving you are, my mother, my model, I am all yours.
Your Loving Son,
Jaime Cardinal Sin
Archbishop of Manila
November 22, 2000
Inilagay ng Cardinal ang kanyang sulat sa ilalim ng paa ng istatwa ng Mahal na Birheng Maria.
Kinilala ng Cardinal ang tulong ng Mahal na Birheng Maria. Pinagaling nito ang kanyang asthma at tinulungan din siyang maging pari.
Hiningi nitong pagalingin ng Mahal na Birhen ang sakit ng mga imoral na namumuno.
Hiniling din niyang gawin ng Pangulo ang dakilang sakripisyo ng pagbibitiw alang-alang sa mga mamamayang Pilipino.
Pagkaraan ng ilang buwan, katapusan ng Enero 2001, naganap ang EDSA Dos at nagpasyang bumitiw (mag-resign) si Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Noong ika-24 ng Pebrero 2022, inutos ni Vladimir Putin, pangulo ng Russia na lusubin ng Russian Army ang bansang Ukraine. Sa hindi inaasahang pagkakataon, lumaban at hindi nagpasakop ang mga taga-Ukraine. Hindi naging madali ang pananakop na nais ni Putin na mangyari. Sa ngayon, napakalaki na ng bilang ng mga nasirang tangke de giyera, eroplano at sari-saring kagamitang pandigma ng Army ng Russia. Marami.
Ayon sa United Nations High Commissioner on Human Rights, sa ngayon ay may naitala nang 977 na namatay sa mga mamamayan ng Ukraine – 81 ang mga batang namatay, 1,594 naman ang bilang ng mga nasugatan.
Hindi nakikitaan ng pagsuko o panghihinawa ang mga taga-Ukraine lalo na ang kanilang presidente na handang mamatay sa kanyang paglaban.
Noong nakaraang Biyernes, pinakiusapan ni Papa Francisco ang buong mundo na mag-alay ng panalangin sa Immaculada Concepcion upang tumigil ang giyera sa Ukraine. Mahaba ang liham, ngunit isasama ko rito ang dalawang pinakamahalagang talata:
“Therefore, Mother of God and our Mother, to your Immaculate Heart we solemnly entrust and
consecrate ourselves, the Church and all humanity, especially Russia and Ukraine. Accept this act that
we carry out with confidence and love. Grant that war may end and peace spread throughout the world.
The “Fiat” that arose from you heart opened the doors of history to the Prince of Peace. We trust that,
through your heart, peace will dawn once more. To you we consecrate the future of the whole human family, the needs and expectations of every people, the anxieties and hopes of the world.
Through your intercession, may God’s mercy be poured out on the earth and the gentle rhythm of peace return to mark our days. Our Lady of the “Fiat,” on whom the Holy Spirit descended, restore among us the harmony that comes from God. May you, our “living fountain of hope,” water the dryness
of our hearts. In your womb Jesus took flesh; help us to foster the growth of communion. You once trod the streets of the world; lead us now on the paths of peace. Amen.”
Sa pagtatalaga ng Russia at Ukraine sa Mahal na Birheng Maria, umaasa at nagtitiwala ang Papa sa kapangyarihan ng kanyang panalangin na ibalik ang kapayapaan at pag-uunawaan sa mundo.
Walang hihigit pa sa kapangyarihan ng panalangin ng mga naniniwala sa Diyos.
Napakaraming naprotektahan ng bakuna at napagaling ng mga gamot sa panahon ng pandemya. Ngunit napakarami ring nasawi sa kabila ng lahat ng uri gamot at sari-saring pamamaraang iligtas ang buhay ng mga naapektuhan ng pandemya.
Ang pagdulog ni Cardinal Sin ng panalangin sa Mahal na Inang Maria para sa kaligtasan ng Inang Bayan sa masama at imoral na pamamahala ay pinakinggan ng Diyos Ama.
Ganundin ang panalangin ng maraming Pilipino ngayon. Sinasamahan din natin ang Santo Papa sa kanyang panalangin na tumigil na ang giyera at bumalik na ang kapayapaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Buong pagtitiwala po naming inaasahang idudulog Ninyo, Mahal na Inang Maria, ang aming panalangin sa Diyos Ama. Amen.





Comments