top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pamumulitika ang inaatupag... Sara: Mga pamamaril sa iskul, kasalanan ni BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | September 22, 2026



VP Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos - FB Circulated


Binatikos ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes ang administrasyong Marcos kaugnay ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng walo pa.


Ayon kay Duterte, ito na ang ikatlong school shooting sa bansa ngayong taon at sinabi niyang karapat-dapat ang mga Pilipino sa “better leadership than this.”


“Para kasi sa administrasyong Marcos, mas madali ang maging inutil, magnakaw, at magsamantala kaysa magsilbi nang tapat sa bayan,” ani Duterte.


Dagdag niya, sa halip na magkaroon ng makabuluhang aksyon at pagpapatupad ng kaayusan, abala umano ang administrasyon sa “political survival and consolidation.”


“At sa halip na may makabuluhang aksyon at pagpapatupad ng kaayusan, ang administrasyong Marcos ay nakakulong sa walang katapusang laro ng political survival at consolidation,” aniya.


Samantala, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa insidente at inatasan ang mga concerned government agencies na palakasin ang seguridad sa mga paaralan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page