Pampanga Rep. Arroyo, nagpositibo sa test sa COVID-19
ni Lolet Abania | July 24, 2022

Nagpositibo si dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa test sa COVID-19 at hindi makakadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Lunes, Hulyo 25.
Batay sa statement na inilabas ng chief of staff ni Arroyo, ang congresswoman ay unang na-test na positive ng isang antigen test noong Hulyo 15 at sumailalim sa quarantine.
“[Arroyo] has been religiously taking the prescribed medicines and supplements required of a COVID-19 patient,” ayon sa kanyang doktor na si Dr. Martha Nucum sa statement.
Isang follow-up RT-PCR test nitong Hulyo 22 ang isinagawa at nanatiling positibo ang resulta nito.
Tatlong araw bago ang kanyang unang positive result, na-meet ni Arroyo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.





Comments