top of page

Pamilya nila, pinapunta na rin… KASALANG KIM AT PAULO, SA US GAGAWIN AFTER NG WORLD TOUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 41 minutes ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 2, 2026



Kim Chiu at Paulo Avelino - Instagram

Photo: Kim Chiu at Paulo Avelino - Instagram



Maganda ang ginawa ng Viva One na sa apat na episodes ng Viva One Originals: RabGel (VOORG), sa dalawang episodes tampok sina Rabin Angeles at Angela Muji. Sa other two episodes, may makakasama sila na ayon kay Rabin, nakatulong sa pagiging aktor nila ng ka-love team.


Sa pilot episode na Ang Rider Kong Hoodlum (ARKH), sina Rabin at Angela ang magkasama. Sa next episode na Same Day Error, si Rabin ang tampok at makakasama niya si Jerald Napoles.


Sa third episode na My CEO Thinks I’m a Robot (MCTIAR), bida naman si Angela at makakasama niya si Carlo Aquino. Sa last episode na Us, Maybe (US), sina Rabin at Angela uli ang tampok sa romantic episode na kakikiligan ng RabGel fans.


Natawa kami sa kuwento ni RabGel tungkol kay Jerald. Nag-extra raw siya sa isa nitong pelikula at hindi niya nakalimutan ang sinabi sa kanya ng aktor na sisikat siya. 


Aniya, “Sabi ni Kuya Jerald, sisikat ako dahil uso ang mukha ko. Galingan ko lang daw at sipagan.” 


Nangyari nga ang sinabi ni Jerald, sikat si Rabin ngayon at ang love team nila ni Angela.


Si Angela naman, hindi makapaniwala na makakasama si Carlo na magaling na aktor. Ninerbiyos siya, pero pinakalma siya nito at sinuportahan kaya sobrang thankful siya sa aktor.


Ang magkaroon ng movie sa Metro Manila (MMFF) ang dream nina Rabin at Angela at siguro naman, ibibigay ng Viva ang kanilang pangarap. Willing naman silang maghintay.




Pati kami ay nag-aabang kung magkakatotoo ang pinag-uusapan ng KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino na ang ending ng world tour nila ay ang kanilang pagpapakasal.


Sa abroad daw ang kasal ng dalawa, at kaya sumunod sa aktres-host ang kanyang mga kapatid ay para sa kasal nila ni Paulo.


Sumunod na rin daw ang mga parents ni Paulo sa ibang bansa kung saan naroon sila ni Kim para rin sa kasal. Gusto raw nina Kim at Pau na present ang family nila sa kanilang kasal, kaya pinasunod sa kanila.


Sa convo ng mga fans, parang siguradung-sigurado sila na may kasalang magaganap kina Kim at Paulo at tinitiyak nila na pagbalik ng dalawa mula sa kanilang world tour, mag-asawa na sila. Mrs. Paulo Avelino na raw si Kim Chiu.


Dahil sa mga nababasang ito mula sa fans ng dalawa, waiting na rin kami sa update. Baka nga totoo at tiyak naman na kahit nasa ibang bansa sila, makakarating din dito ang balita dahil na rin sa kanilang mga fans na nakaabang sa bawat ganap ng magka-love team.




Fans, ayaw pumayag… HULING MAJOR CONCERT NI REGINE, KASADO NA



WALA nang urungan, ipinaalam na ni Regine Velasquez via Instagram (IG) ang last major concert niya. Tamang-tama ang napili niyang title na Finale at magaganap sa October gaya ng una na niyang nasabi.


Maiksi lang ang post ni Regine na, “FINALE The Final Major Solo Concert. October 17 & 18, 2026 | SM Mall of Asia Arena. Stay tuned for more details.”


Sa mga comments ng mga friends ni Regine, ramdam ang kanilang lungkot na after the said date, hindi na mapapanood ang Songbird sa major concert. 


Nanguna sa mga nag-comment si Gary Valenciano na nagsabing, “Sorry but I’m already starting my standing ovation for this queen. Wow! This hit me deeply. We love you @reginevelasquez.”


Nagpahayag din ng pagmamahal kay Regine sina Julie Anne San Jose, Rhap Salazar, at Iza Calzado, habang nag-post ng heart emojis ang iba pa niyang kaibigan. 


Ang mga fans, ayaw pumayag na last concert na ito ni Regine. Hindi pa raw sila handa na hindi na siya mapanood sa bigger venue. May mga umiyak na at umaasang magbago pa ang kanyang desisyon.


May nag-request na sa Philippine Arena gawin ni Regine ang last major concert niya at may nag-request pa ng US tour. 


Ang pangako ng karamihan, sasamahan nila si Regine sa last major concert nito. 

“We will be there, queen,” sabi ng mga fans.


May nakita kaming post ni Regine na kasama niya sina Ryan Cayabyab at Rowell Santiago. Ang dating sa amin, isa si Ryan sa mga musical directors ng concert at si Rowell ang director. As for her guests, hintayin natin ang announcement.


Nabanggit ni Regine Velasquez-Alcasid na sa major concert lang siya titigil. Tuloy ang concert niya sa smaller venues kaya hindi siya tuluyang mamamaalam. Hindi pa end ng kanyang era, iyon nga lang, hindi na sa SM Mall of Asia (MOA) at sa ibang big venues ang concert niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page