Pamilya, kasama sa b-day ng aktres… PAULO, NAMANHIKAN NA RAW KAY KIM
- BULGAR

- 4 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 23, 2026

Photo: FB Paulo Avelino
Naging memorable at makabuluhan ang 36th birthday ni Kim Chiu. Sa halip na magdaos siya ng bonggang party, minabuti na lang niya na itulong sa mga jeepney at tricycle drivers ang gagastusin sana sa party.
Namigay siya ng pang-gasolina, groceries at packed meals sa mga drivers sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ang pinagbentahan niya sa bazaar ng kanyang mga gamit at damit na inorganisa ng kanyang mga tagahanga ay malaking tulong sa pagbibigay niya ng ayuda.
Masayang-masaya si Kim sa kanyang birthday charity. Milyones ang kanyang nagastos pero ramdam niya ang kakaibang sigla.
Isang simpleng get-together dinner kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang naging selebrasyon ni Kim. Dumalo rin si Paulo Avelino at ang kanyang pamilya.
Kaya marami ang nagsasabing baka pormal na iyon na pamamanhikan kay Kim Chiu. Maging ang mga fans ay nag-aabang at excited na malaman kung ano ang naging kaganapan sa nasabing birthday dinner ng Chinita Princess.
Bawal pa raw magsalita…
KRIS AT KATRINA, OBYUS NA NAGKABALIKAN NA
MAY mga naiintriga na sa nakikitang sweetness nina Katrina Halili at Kris Lawrence. Hindi na lang daw ito para sa anak nilang si Katie na madalas nilang kasama sa kanilang mga lakad. Para raw kasing may something na nagaganap sa kanila.
Kitang-kita ng lahat na may kakaibang spark sa mga mata ni Katrina sa tuwing magkasama sila ni Kris. Marami rin ang nakapansin na blooming ngayon ang aktres at masaya ang kanyang aura.
Marami tuloy ang nagtatanong kung nagkabalikan ba sila dahil nanumbalik na ang atraksiyon nila sa isa’t isa.
Well, ayaw lagyan ng label ni Katrina ang closeness nila ngayon ni Kris. Bawal daw sagutin kung ano ang status ng kanilang relasyon.
Pero sabi nga ng mga Marites, hindi na kailangan na sagutin ni Katrina Halili dahil obvious naman sa kanilang mga kilos na may kilig pa rin sila sa isa’t isa.
Kaya nalalagpasan lahat ng pagsubok sa buhay
MERYLL: MAY AGIMAT SI PAPA WILLIE
BILANG panganay na anak ni Willie Revillame, madalas na nakatutok si Meryll Soriano sa kalusugan ng kanyang ama. Regular niya itong tinatawagan at kinukumusta. Dinadalaw din niya kapag hindi siya busy.
Concerned si Meryll sa health ng kanyang Papa Willie, lalo na’t nagkakaedad na rin ito at maraming inaasikaso. Madalas niya itong payuhan na magpa-check-up at kumain sa oras.
Alam ni Meryll na kapag may project na pinagkakaabalahan ang kanyang papa ay nakakalimutan nito ang kumain at magpahinga. Tulad ng pagbabalik ng game show ni Willie, ang Wilyonaryo.
Nakikita ni Meryll na muling sumigla ang kanyang ama.
Marami nang problema at pagsubok ang pinagdaanan ni Wil pero lagi itong nakaka-survive at nakakabalik muli.
At alam ni Meryll Soriano na kahit maraming bagyo pa ang dumating sa buhay ni Willie Revillame ay hindi siya basta matatalo o susuko.
Sabi nga ni Meryll, “May agimat si Papa kaya nalalagpasan niya ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.”
‘Di ma-take na mag-aasawa…
JODI, TAKOT IWAN NG ANAK
NANG mag-guest si Jodi Sta. Maria sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), naglabas siya ng saloobin tungkol sa kanyang pagiging ina kay Thirdy.
Dahil sa kanyang pagka-busy noon sa showbiz career, hindi niya gaanong nabigyan ng panahon ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanyang anak. Bumabawi na lang siya kapag may libre siyang panahon upang mag-bonding silang mag-ina at ipinapasyal niya ito abroad.
Alam ni Jodi na hindi pa rin sapat ang ibinibigay niyang atensyon sa kanyang anak at hindi niya namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon.
Ngayon ay twenty years old (20) na si Thirdy at alam niya na isang araw ay hihilingin ng anak na mamuhay nang malaya at magkaroon ng sariling pamilya. At iyon ang inaalala ni Jodi kung kakayanin niya.
Ayaw niyang isipin na iiwanan siya ni Thirdy at bubuo na ito ng sariling pamilya. At iyon ang kailangang paghandaan ni Jodi Sta. Maria.




Comments