Barker na nang-agaw ng baril ng sekyu, utas sa pulis

ni Mervin Reyes @News | October 21, 2026

Photo: PRO-NIR
Patay ang isang barker matapos umanong mang-agaw ng baril ng guwardiya at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Murcia Road, Brgy. Mansilingan, Bacolod City.
Nakunan ng video ang pag-aagawan ng barker at sekyu sa baril bago umalingawngaw ang sunud-sunod na putok.
Ayon sa pulisya, tatlong beses umanong pinaputukan ng barker ang guwardiya matapos maagaw ang baril nito. Nang rumesponde ang mga awtoridad, nanlaban umano ang suspek at nasawi sa engkuwentro.
Ligtas naman ang guwardiya.
Pinaniniwalaan ding nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang barker.





Comments