Pamilya at mga BFF, kani-kanyang hugot para sa komedyante… ATE GAY, BUHAY PA, PINAGLAMAYAN NA

ni Beth Gelena @Bulgary | October 17, 2026

Photo: IG _ategay08
Agaw-pansin ang isinagawang ‘living funeral’ ni Ate Gay noong Oktubre 15 sa Forest Lake Memorial Parks sa Biñan, Laguna.
Dumalo sa makabuluhang pagtitipon ang kanyang pamilya at mga kaibigan upang ipahayag ang kanilang pagmamahal, pasasalamat at pagpapahalaga sa komedyante habang siya ay nabubuhay pa.
Ibinahagi rin ni Ate Gay sa social media ang mga larawan mula sa pagtitipon.
Sa caption ng isa sa kanyang mga posts, aniya (as is), “Celebration of Life… Undasko 2026 Forest Lake in Biñan, Laguna.”
Open book naman na nakikipaglaban si Ate Gay sa Stage 4 cancer, kaya naman naging espesyal ang okasyon para sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay.
Sa isang living funeral, binibigyan ng pagkakataon ang isang tao na marinig ang mga pagpupugay at mensahe ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
PWD na si Joshua, tinawag na walang kuwenta…
CARLO SA MACHONG CHISMISAN HOSTS: SINO’NG MAS MATINO ANG PAG-IISIP?
PATULOY na umaani ng batikos ang mga hosts ng Machong Chismisan podcast dahil sa kanilang mga naging pahayag tungkol kay Joshua Aquino, ang panganay na anak ni Kris Aquino na may autism.
Kabilang sa mga nagpahayag ng pagkadismaya ang award-winning actor na si Carlo Aquino, na kinuwestiyon ang maturity at mindset ng mga adult hosts matapos nilang kutyain si Josh at tawagin itong ‘walang kuwenta’ at ‘nakatunganga lang’.
Sa kanyang Instagram (IG) account na @jose_liwanag, sey ng aktor, “Grown-a*s men making fun of a person with a disability. Sino talaga ang mas may matinong pag-iisip ngayon?”
Nagmula ang kontrobersiya sa Season 29, Episode 20 ng Machong Chismisan, na pinamagatang Ang Pagbabalik Ni Kris Aquino at ipinalabas noong Oktubre 5.
Sey ng mga netizens:
“May mas malala pa pala kay VICE GANDA sa panlalait para lang sa pagpapatawa. Grabe, pati PWD (Person with Disability), ‘di pinalagpas, eh. Nakakalungkot.”
“Mag-ready na kayo. Tingnan natin kung gaano kayo ka-macho ‘pag humarap na kayo sa korte.”
“Sana ay ‘di mangyari sa mga anak ninyo, apo, at mga susunod pang henerasyon ang sitwasyon ni Josh. Darating ang panahon na pagsisisihan n’yo ang mga salitang binibitawan ninyo.”
“Palitan n’yo na ang pangalan ng show n’yo. Alam n’yo kung anong bagay sa inyo? Seldang Chismisan. Hahaha!”
BARBIE, PALABAN SA AKTINGAN KAY SHARON
PINURI ng mga manonood ang husay sa pag-arte nina Barbie Forteza at Sharon Cuneta sa teleseryeng Honor Thy Mother.
Sa isang in-upload na clip, mapapanood ang dramatikong eksena nina Diana (Sharon) at Patricia (Barbie), kung saan humingi ng tawad si Diana sa kanyang anak na matagal nang nakakaramdam na siya ang sinisisi sa mga problemang dumating sa kanilang pamilya.
Sey ng mga fans, parang tunay na mag-ina sina Sharon at Barbie dahil hindi nagpakabog ang dalawa sa isa't isa sa kanilang pagganap.
Hinangaan din ng mga manonood ang husay ni Barbie sa pagpapahayag ng emosyon sa pamamagitan lamang ng kanyang mga mata. Kahit tahimik ang karakter ng Kapuso Primetime Princess, malinaw na naipakita ang damdamin at mensaheng nais niyang iparating sa eksena.
Sa nakaraang panayam, ipinahayag ni Barbie ang kanyang kasiyahan sa pagkakataong makatrabaho ang nag-iisang Megastar na matagal na niyang iniidolo.





Comments