Pamilya at magkakatropa, galit-galit dahil sa pulitika
- BULGAR
- Apr 19, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 19, 2022
MAY taas-presyo na naman sa petrolyo
Sanay na ang taumbayan, sanay nang magtiis.
◘◘◘
NAGKALAT ang Comelec checkpoint pero motor lang ang hinaharang.
Lahat damay sa riding-in-tandem criminals!
◘◘◘
GRABE ang init ng panahon.
Pero mas grabe ang init sa social media kahit wala namang paki ang mga ‘manok’ nila,
◘◘◘
NON-STOP ang parinigan online.
Marami nang pamilya at magkakatropa ang nagkasiraan.
◘◘◘
BALIK-FACE-TO-FACE classes na.
Balik-baon na rin, aruy!
◘◘◘
NAKALAYA na ang mga tao na makalabas ng bahay.
Wala nang face mask na suot ang mga tao sa mga lalawigan sa nakaraang Kwaresma.
Balik-normal na po.
◘◘◘
PINUPUTAKTI ng mga kritiko ang mag-asawang Jeannie at Ricky Sandoval ng Malabon.
Binubungkal ang isyu sa pork barrel scheme ni Janet Napoles.
◘◘◘
MAY 11 taong naupong kongresista sa dating Malabon-Navotas lone district ang mga Sandoval.
Aabot diumano sa halos P300 milyon ang nagamit ng mga Sandoval at P108 milyon dito ay galing sa sinasabing pork barrel.
◘◘◘
SA pork barrel, ang mambabatas ang pipili ng proyekto na kanilang popondohan; ang ahensiya ng gobyerno naman ang mag-iimplementa ng proyekto; at magiging katuwang nito ang mga non-government organization (NGO) o foundation na ang mambabatas mismo ang mag-eendorso.
Iyan mismo ang cycle ng paggamit ng pork barrel.
◘◘◘
ANG malaking isyu ngayon ay kung may tiwala pa ba ang taumbayan sa mga pulitikong sabit sa pork barrel scheme?
Pagkatiwalaan pa kaya sila ng mga taga-Malabon?








Comments