Pambubuntis kay Sarah Balabagan, binuhay uli… ‘ARNOLD CLAVIO BILL’, ISINUSULONG NI ATTY. TOPACIO PARA SA SEXUAL HARASSMENT
- BULGAR

- 9 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 27, 2026

Photo: Atty. Ferdinand Topacio - TWACOfficial IG
Nakausap uli namin si Atty. Ferdinand Topacio sa ginanap na Pandesal Forum kahapon sa Kamuning Bakery kung saan kasama niya ang mga kapwa niya abogado sa PDP Laban na sina Atty. Raul Lambino, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Manuelito Luna and Atty. Jing Paras kaugnay ng impeachment trial kay VP Sara Duterte.
Nakumusta namin kay Atty. Ferdie kung nagkausap na ba sila ni Sen. Robin Padilla tungkol sa ipinasa niyang letter dito kaugnay ng suhestiyon na amyendahan ang batas sa sexual harassment para magkaroon ng parehong parusa ang principal at ang nagko-cover up sa krimeng nagawa.
Ani Atty. Ferdie, busy pa si Sen. Robin kaya ‘di pa sila nagkakausap.
Kaya naman ipina-explain na lang namin sa kanya kung bakit tinawag niyang ‘Arnold Clavio Bill’ ang isinusulong niyang nasabing amendment sa batas.
Paliwanag niya, “Eh, ‘di ba, ‘yun ‘yung one of the most blatant, eh. ‘Yung sexual abuse nito, nagkabunga, ‘di ba? Kay Sarah Balabagan pa, minor, nabuntis niya, anak niya, pero wala namang sanction na nangyari sa kanya mula sa istasyon.
“So dapat ‘yung mga ganitong behavior should be sanctioned. Kaya paulit-ulit, eh. ‘Yung kay Gerald Santos, walang sanction. ‘Yung mga ibang artistang babae, walang masyadong sanction. Kaya nauulit-ulit.
“Kung nagkaroon ng aksiyon kay Arnold Clavio, kay Gerald Santos o ‘yung sa iba, baka ‘di nangyari ‘yung kay Sandro Muhlach kasi matatakot na. Kasi kino-cover up.
“Kaya nga ang suggestion ko du’n sa liham ko, ‘yung mga nagko-cover up should be made guilty as the principal para sila na rin ‘yung nag-sexual harass kasi kino-cover up nila, eh.”
Wala naman daw siyang personal na galit kay Arnold Clavio at bill pa lang naman daw ‘yung ipino-propose niya.
Oh, well. Wala pa tayong naririnig na any reaction from Igan Arnold pero bukas ang ating pahina para sa kanyang panig.
Alanganin na raw ngayong masyonda na…
MON, TODO-HINAYANG NA UMATRAS SA MOVIE NA MAY FRONTAL NUDITY
Naging instant fan kami ni Atty. Vincent Tañada matapos naming mapanood ang isinulat, idinirek, ipinrodyus at pinagbidahan niyang pelikulang Ang Bangkay na isa sa anim na official entries sa Sinag Maynila Film Festival na nagsimula nu’ng March 23 at showing hanggang sa Linggo, March 29.
Mabigat ang tema ng pelikula na psychological drama-thriller dahil may incest sa kuwento na hindi na namin sasabihin para may suspense pa kapag pinanood n’yo.
First film ito ni Atty. Vince na napanood namin last Wednesday night sa gala screening sa Gateway Cinema at bongga ang pasabog niya sa Ang Bangkay dahil not just once or twice siyang may frontal nudity kundi thrice kung ‘di kami nagkamali ng bilang.
But in fairness, first time rin naming nakapanood ng ganitong klase ng pelikula na kahit nagpakita ng ‘pipino’ ang certified lawyer in real life na si Atty. Vince, gayundin ang aktor na si Juan Calma na gumaganap na kasintahan ng makiring maid of cotton na si Oryang (played by Lili Montelibano na napakagaling ding umarte at nagpakita rin ng boobs at wetpaks), hindi kami nabastusan o naasiwa sa nakita namin kundi naramdaman naming malaking factor ‘yun sa kuwento lalo’t ang setting ay nu’ng 1900’s pa na hindi pa yata uso ang panty, brief at bra.
Pare-parehong theater actors ang mga bumubuo sa Ang Bangkay na bukod kina Atty. Vince, Lili at Juan, nasa cast din sina Mercedes Cabral, Vean Olmedo at Johnrey Rivas.
Inamin ni Atty. Vince na nu’ng isinusulat pa lang niya ang pelikula, naisip niyang ialok kay Mon Confiado – na incidentally ay nandu’n din sa gala at buong-suportang nanood hanggang dulo – ang lead role ni Señor Segismundo Corintho.
Tinanggap naman daw agad ni Mon ang role kahit nalaman niyang kailangan niyang magpakita ng kanyang ‘pipino’ sa ilang eksena. Kaya lang, may naging conflict sa schedule ni Mon dahil kinuha rin pala siyang bida that time sa isang pelikula ni Direk Paul Soriano, na hanggang ngayon naman ay hindi pa pala naipapalabas.
At dahil nauna ngang mag-offer si Direk Paul na nasagutan na ni Mon at nakasabay nga ‘yung shooting ng Ang Bangkay, hindi na natuloy sa magaling ding aktor ang role ni Señor Segismundo kaya napunta na ito kay Atty. Vince, na in fairness, mahusay din naman niyang nagampanan.
Medyo nanghinayang man si Mon matapos mapanood ang kabuuan ng Ang Bangkay, babawi na lang daw siya sa susunod. Kaya lang, dahil may edad na rin naman daw siya, baka medyo mag-alanganin na siya kung aalukin pa uli ng role na may frontal nudity.
Samantala, inamin naman ni Atty. Vince na dahil sa pagmamahal at dedikasyon niya sa “arts” nagmula ang kanyang tapang para ipakita na ang lahat-lahat sa kanyang passion project na Ang Bangkay. Ginagawa naman din daw nila ang ganito sa theater kaya bakit nga naman hindi sa film?
Palabas pa hanggang March 29 ang Ang Bangkay sa Gateway, Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex and Lucky Chinatown Cinemas, kaya sugod na at ‘wag palagpasing mapanood ito.




Comments