Pambansang topic ang booster sa COVID-19 vaccine, iniiwasan kasi na ma-expire ang bakuna!
- BULGAR
- Dec 8, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | December 08, 2021
BOOSTER na ng COVID-19 vaccine ang usapan ngayon.
Kasi’y maaaring mag-expire ang mga ito kapag hinigpitan ang pagpapabakuna!
◘◘◘
MAY ilang siyudad ang mabilis na tumutugon sa massive vaccination.
Pero marami pa ring siyudad ang marami pang tsetseburetse!
◘◘◘
MAY massive vaccination at mayroon ding cash assistance sa ordinaryong tao, pero bakit walang espesyal na programa para makaahon sa lugi ang maliliit na negosyante.
Ekonomiya ang dapat maging prayoridad!
◘◘◘
MARAMI pa rin ang nakasaradong negosyo.
May ilang nagbubukas, pero biglang nagsasarado matapos magbukas ng ilang buwan!
◘◘◘
NASAAN ang DTI?
Bakit wala silang datos kung ilan ang naluluging negosyo, ilan ang nagsarado at ilan ang nagbukas?
Mahalaga ang datos pero hindi sila nagtatrabaho para makakuha ng tumpak na impormasyon!
◘◘◘
IBOBOYKOT ng US ang Winter Olympics sa China.
Pahiwatig na ito sa napipintong digmaan!
◘◘◘
KAHIT magkasalungat ang partido nina Joe Biden at Donald Trump, nagkakaisa sila sa agenda ng United States.
Sagkaan ang kapangyarihan ng China!
◘◘◘
IGINAPOS ni Trump ang poder ng Iran.
At pinananatili ito ni Biden!
◘◘◘
KASINGKAHULUGAN ng demokrasya ay malayang pagkontrol ng oligarko sa mahahalagang industriya.
'Yan na mismo!
◘◘◘
ANG mga national candidate ay tinutustusan ng mga oligarko.
Kung gayun, walang mababago!
◘◘◘
BAKIT walang presidentiable ang naglilinaw kung ano ang ipinakikipaglaban niyang ideolohiya?
Nauunawaan kaya nila ang kahulugan ng ideolohiya at kahalagahan nito sa bansa?
◘◘◘
ANO ang plataporma ng mga presidentibles sa West Philippine Sea?
Ano ang plataporma nila sa macro at micro economy?
Ano ang plataporma nila sa istruktuka mismo ng gobyerno?
Ano ang plataporma nila sa social services?
◘◘◘
KAILANGAN ang malinaw na plataporma na siyang magiging gabay at padron sa pagpapatakbo ng gobyerno.
Nauunawaan kaya 'yan ng mga kandidato?





Comments