Search
  • BULGAR

Pambahay lang, todo-displey pa… TSINELAS NI JINKEE, P54,000!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 27, 2020




Sa kabila ng pinagdaraanang pandemya ngayon ng buong mundo dahil sa COVID-19 kung saan karamihan sa atin ay halos wala nang makain dahil napahinga o nawalan ng trabaho, ang asawa naman ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee ay todo-displey ng kanyang sosyal na pambahay with matching luxury slippers na tipong OOTD ni Mrs. Pacquiao.


May nag-check ng presyo ng suot na mamahaling tsinelas ni Jinkee sa online at ayon sa lumabas, nasa US $1,090 ito o katumbas ng P54,000!


Aba, sa loob daw ng tatlong buwang lockdown, ang laging suot ni Jinkee na pambahay, pawang luxury brands tulad ng Gucci, Louis Vuitton, VLTV at Fendi lang naman.


Ang isa niyang ipinost na OOTD niya na cute pink Chanel slides in tweed ay nagkakahalaga ng US $850 o nasa P43 K lang naman.


Maging ang pantulog niyang pajama ay LV at Gucci.


Ang mga mamahaling pambahay na isinusuot ni Jinkee, ayon sa mga netizens, ay malaking tulong na raw para sa mga pamilyang nagugutom at nangangailangan ng ayuda ngayong panahon ng pandemya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.