top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pambabalahura sa saligang batas ang postponement ng halalang pambarangay

BULGAR
Aug 20, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 20, 2022


DAPAT LANG KUWESTYUNIN SA SC ANG POSTPONEMENT NG BGY. & SK ELECTIONS PARA MATIGIL NA ANG PAMBABALAHURA NG MGA MAMBABATAS SA SALIGANG BATAS—Bukod kay election lawyer, Atty. Romy Macalintal, posibleng kuwestyunin din ng NAMFREL (National Movement for Free Election) at LENTE (Legal Network for Truthful Election) sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng postponement ng barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections kapag pinaboran at pinirmahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang panukalang-batas ng mga kongresista at senador na nagpapaliban ng nakatakdang halalan sa Dec. 5, 2022.


Dapat lang talagang kuwestyunin ito ni Macalintal, NAMFREL at LENTE sa SC para matigil na ang pambabalahura sa Saligang Batas ng mga mambabatas.


Malinaw sa nakasaad sa Konstitusyon na tatlong taon lang dapat manungkulan ang mga elected barangay officials at hindi puwedeng i-postpone ang mga nakatakdang halalan, pero ang mga kongresista at senador, gustong mas magaling pa sila sa Saligang Batas ng Pilipinas, postpone nang postpone.


◘◘◘


MALAKI ANG CHANCE NA MATULOY ANG BGY. & SK ELECTIONS KAPAG KINUWESTYON SA SC ANG POSTPONEMENT NG HALALANG PAMBARANGAY—Sa totoo lang, kapag tinutuo ni Macalintal, NAMFREL at LENTE na labanan sa SC ang postponement ng halalang pambarangay ay malaki ang chance na ipag-utos ng Korte Suprema na ituloy ang barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections.


Malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na labag sa Saligang-Batas ang gustong mangyari ng mga cong at sen.


◘◘◘


ITULOY ANG ROTC, PERO DAPAT HINDI MANDATORY—Kung may mga magulang at estudyante na pabor sa ROTC (Reserve Officer's Training Corps), meron din namang tutol kasi may mga pangyayaring may namatay sa hazing at training sa ROTC.


Dahil d'yan, ang pinakamainam na gawin ng pamahalaan ay ipairal ulit ang ROTC, pero hindi dapat gawing mandatory kasi sa totoo lang ay hindi lahat ng estudyante ay gustong maging sundalo o pulis, halimbawa 'yung ang mga gusto ay maging doktor at teacher, ang gusto ng mga 'yan ay manggamot at magturo, hindi para humawak ng armas.


◘◘◘


NEGOSYANTENG NAG-HOARD NG ASUKAL, SWITIK SA KUWARTA—Ilang bodega na may nakaimbak na saku-sakong asukal sa Pampanga at Bulacan ang sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC).


Patunay 'yan na walang shortage sa asukal, kundi sadyang hino-hoard lang ng mga negosyante para magmahal ang presyo nito.


Ganyan kawalanghiya ang ilang negosyante sa bansa, switik sa kuwarta.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page