top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pamamaalam kay ex-P-Noy, nasapawan ang mga ulat sa sitwasyon ng kriminalidad

  • BULGAR
  • Jun 28, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 28, 2021


Nasapawan ng ulat sa pamamaalam ni ex-P-Noy ang mga nagaganap sa paligid.


Ilan sa mga ito ay ang sitwasyon ng kriminalidad sa panahon ng pandemic!


◘◘◘


INAMIN ni PNP Chief Guillermo Eleazar na bagaman may pagkukulang ang ilang elemento ng pulisya, agarang inaaksiyunan ito upang maibalik agad sa ayos ang sitwasyon.


Tinutukoy dito ay ang pagkamatay ng 16-anyos na si Johndy Maglinte ng Laguna noong nakaraang linggo!

◘◘◘


NAPATAY si Maglinte at ang drug suspect na si Antonio Dalit na sinasabing nanlaban nang i-served ang warrant of arrest


Isinailalim na sa imbestigasyon ang kaso makaraang magreklamo ang pamilya ng mga suspek sa suspetsang itinumba ang mga ito!


◘◘◘


NAGSASAGAWA na rin ng independent investigation ang PNP Internal Affairs at ang Commission on Human Rights.


Nilinaw ni Eleazar na agad sinisiyasat ang anumang kapalpakan sa operasyon at kinakasuhan ang sinumang nagkasala!


◘◘◘


AYON kay Eleazar: “Hindi natin binabalewala ang mga alegasyon ng lapses sa operasyon ng ating mga pulis. We constantly review our protocols to check if these still fit the kind of setting we have today or if there are adjustments or changes that need to be made.”


Sakaling may pagkakamali ay kinakasuhan at sinisibak ang mga nagkakasalang iskalawags!


◘◘◘


SA totoo lang, sangkatutak nang pulis ang kinasuhan, sinuspinde at sinibak sa serbisyo dahil sa iba’t ibang klase ng pagkakamali at paglabag sa regulasyon.


Umabot na sa 18, 664 pulis ang pinarusahan kabilang ang 5,151 sinibak sa serbisyo!


◘◘◘


HINDI kinukunsinte ni Eleazar ang kabulastugan ng mga parak.


“Kaya nga makaaasa ang publiko na hindi kinukunsinti o kukunsintihin ng PNP ang mga pagkakamali dahil hindi dapat pinapandigan ang mali at sa halip ay kailangang itama upang hindi na pamarisan pa,” wika ni Eleazar.


◘◘◘


HANDS-ON ang diskarte ni Eleazar bukod pa ang mga sorpresang field inspection sa mga estasyon ng pulis.


Marami nang naparusahan dahil sa kapabayaan kabilang na ang marumi at hindi maayos na kuwerpo ng pulisya!


◘◘◘


MAAYOS naman naihatid sa huling hantungan ang labi si ex-P-Noy at walang kaguluhang naganap.


Sa gitna ng pandemya, inaasahang aangat ang bilang ng mga petty crimes kaya’t kapansin-pansin ang police visibility sa paligid!


◘◘◘


KALIWA’T kanan pa rin ang pagsalakay sa mga pugad ng mga drug pusher kung saan, hindi mapigil ang illegal drugs.


Hindi tumitigil ang mga drug lords, pero hindi rin sila tinatantanan ng mga parak!


◘◘◘


MAHALAGANG alerto at ordinaryong mamamayan sa mga kaduda-dudang tao sa paligid.


Kailangang isumbong agad ito sa pulisya gamit ang text o phone call.


Bahagi ng pagsugpo sa krimen ay ang partisipasyon ng ordinaryong mamamayan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page