Palit-liderato sa Senado, pinagdudahan
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 13, 2026

Photo: Sens. Alan Peter Cayetano at Tito Sotto III - Senate PH
Nagpahayag si Dr. Jose Antonio Goitia na may kaugnayan umano sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang naging pagpapalit ng liderato sa Senado nitong Lunes.
Ayon kay Goitia, hindi lamang simpleng pagbabago ng Senate leadership ang nangyari matapos mapalitan si Senate President Vicente Sotto III ni Alan Peter Cayetano sa pamamagitan ng 13 boto.
Sinabi niya na kapansin-pansin ang paglipat ng apat na senador mula sa mayorya at ang muling paglitaw ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa bago ang botohan.
Nauna nang sinabi ni Sotto na handa niyang buksan ang impeachment court oras na matanggap ng Senado ang articles of impeachment laban kay Duterte.
“Hindi ito simpleng usapin ng liderato. Layunin nitong pigilan ang impeachment trial,” ani Goitia.
Pinuna rin niya ang panawagan ng bagong mayorya para sa “unity,” at sinabing mahalaga pa rin ang transparency at pananagutan sa gobyerno.
Nagbabala rin si Goitia sa umano’y lumalaking impluwensya ng dayuhang interes sa pulitika ng bansa.
Kasabay nito, nagpahayag siya ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsusulong ng soberanya ng Pilipinas.
Ayon kay Goitia, mahalagang bantayan ng publiko ang direksyon ng mga institusyon ng pamahalaan at tiyaking nananatili ang pananagutan sa gobyerno.





Comments