Palibhasa Lalake, sa Condition Race
- BULGAR
- Mar 18, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 18, 2022
Sisikapin ni jockey Kelvin Abobo na maipanalo si Palibhasa Lalake sa Condition Race Merged ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Tiyak na mapapalaban ng todo si Palibhasa Lalake at hinete nitong si class A rider Abobo kontra lima pang tigasing kalahok sa distansiyang 1,500 meter race.
Inaasahang magbibigay ng magandang laban kay Palibhasa Lalake sina Mandatum at Heroesdelninetysix na sasakyan nina KE Malapira at CP Henson ayon sa pagkakasunod. "Anim lang sila pero magandang laban 'yan, para sa akin patok si Palibhasa Lalake," saad ni Albert Benitez, veteran karerista.
Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Forest Cover, Iikot Lang at Concepcion.
Maliban sa nabanggit na karera na pakakawalan sa race 1, siguradong aabangan din ng mga karerista ang carry over sa winner take all.
Paglalabanan ang carry over sa WTA ang P1,451,520.38, sa pangalawang karera ang simula kung saan may 12 kabayo ang pagpipiliian sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System. Magtatagisan ng bilis sina Ace Up, Manila Boy, Princess Isabelle, Yes Kitty, Advance Party, Step Bell, Bordelle, ChesaPeake Bay, Sweet Spot, Taipan One, Pretty Meadow at Money For Biffany. Posibleng magdomina sa bentahan ang mga kalahok na sina Bordelle, Yes Kitty at Princess Isabelle.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Palibhasa Lalake (1), Concepcion (6)
Race 2. Yes Kitty (3), Bordelle (6), Step Bell (5)
Race 3. Birthright (5), Under Pressure (6), Rhaegal (12)
Race 4. Ultimate Champion (6), Double Shot (4), Carried Away (3)
Race 5. Good Reason (2), Kentucky Rain (11), Haymaker (14)
Race 6. Arrogante (3), Electrify (2)
Race 7. Digital (14), Sagitsit (11), Lucky Saver (6)
Race 8. Tiger Boy (4), Luke Skywalker (5), Kiss Muna (13)





Comments