Palestinians, inihirit na ang aksyon ng UN
- BULGAR

- May 25, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 25, 2024

Inihirit na ng mga Palestinians ang aksyon mula sa United Nations na ipahinto ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Rafah.
Ibinahagi ng isang biktimang Palestinian na kinilalang si Salwa al-Masri na mas lumalala ang kanyang tinawag na “massacre” na ginagawa ng Israel at binigyang-diin na dapat ay may aksyon na ang U.N. para sa patuloy na pag-atake sa kanilang bansa.
“They shouldn’t say one thing, while the action is something different," saad ni Masri, na tumakas mula sa kanyang lugar sa Northern Gaza matapos ang sunud-sunod na pagsalakay ng Israel.
"We want these decisions to be implemented on the ground," dagdag nito.
Samantala, ang mga hukom sa World Court, na kilala rin bilang International Court of Justice (ICJ), ay nag-utos sa Israel nu'ng Biyernes na itigil ang mga atake nito sa Rafah governorate.
Ito ay isang makasaysayang emergency ruling sa isang kaso na isinampa ng South Africa na nag-aakusa sa Israel ng genocide sa pag-atake nito sa Gaza Strip.
Gayunpaman, walang kapangyarihan ang World Court na ipatupad ang mga utos nito, at sinabi rin ng ministro ng Israeli war cabinet na si Benny Gantz na ipagpapatuloy ng kanilang bansa ang makatarungang digmaan laban sa Hamas.




Comments