Palawan pawnshop, hinoldap ng rider
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
by Janice Baricuatro @News | August 25, 2026

Photo: File
Kalaboso ang isang lalaki matapos umano nitong holdapin ang isang pawnshop sa Brgy. Tejeros Convention sa Rosario, Cavite, at tumangay ng mga alahas pero ilang oras lang, nasakote rin siya ng mga rumespondeng awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas Shama, residente ng Rosario, na naaresto alas-10:30 ng umaga sa Brgy. Tejeros Convention.
Alas-8:10 ng umaga nang pasukin umano ni Shama ang Palawan Pawnshop na armado ng 9mm pistol at kitchen knife.
Tinakot umano nito ang security guard, pinadapa at kinuha ang baril bago binasag ang salamin ng display at tinangay ang mga alahas. Tumakas siya sakay ng motorsiklo patungong General Trias.
Agad nagsagawa ng follow-up operation ang Rosario MPS hanggang sa matunton at maaresto ang suspek.
Inihahanda na ang mga dokumento para sa inquest proceedings habang patuloy ang imbestigasyon sa halaga ng mga natangay na alahas at iba pang ebidensiya.





Comments