Palauig patok sa laban
- BULGAR
- Feb 2, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 02, 2022
Tiyak na magandang laban ang masisilayan ng mga karerista sa magaganap na Condition Race (18) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
May pitong races ang inihain ng Mero Manila Turf Club Inc. (MMTCI) at isa sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayong kalahok sa nabanggit na karera.
Magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Biglang Buhos, Calle Loreto, Viva Forever, Sky Dancer, My Jopay, A.P. Factor at magka-kuwadrang Bacuit Bay at Prime Time Magic.
Inaasahang mapapahirapan ang mga karerista sa pagpili ng kanilang tatayaan kaya marahil ay dalawa hanggang tatlong kabayo ang kanilang kukunin kapag tumaya sa winner take all.
"Parehong magagaling ang mga kasali kaya mahirap mag single bet diyan," saad ni Dello Legaspi, karerista.
Panigurado ring aabangan ng mga liyamadista ang pagtakbo ni Palauig sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera. Gagabayan ni jockey AR Villegas, makikilatis si Palauig kontra walong batang kabayo sa distansyang 1,400 meter race.
Komento ng mga karerista sa facebook page ng karera, maaaring magbigay ng magandang laban kay Palauig ay sina Fire Wind at Buwayang Bato na rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie B. Guce.
Ang ibang kalahok sa karerang nakalaan ang added prize na P10,000 ay sina Full Payment, Created, Matinloc Island, Tinago Falls, Kawawang Cowboy at Cupid Bell.
Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang mga ilalarga ngayong araw.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Manang Biday (5), Batas Kamao (3), Chinito (8)
Race 2. Palauig (7), Buwayang Bato (4), Kawawang Cowboy (6)
Race 3. Cinderella King (5), Jacqueline (10), Phenom (8)
Race 4. Seven Of Diamonds (2), Extremely Tough (5), Rafa (8)
Race 5. Speedy Chase (7), Fruity Pebbles (8), Ultimate Cat (4)
Race 6. My Jopay (7), Viva Forever (3), Sky Dancer (6)
Race 7. Triple Track (6), My Dear Magnolia (7), Quincy (3)
Patok - Palauig, Speedy Chase
Pandehado - Triple Track





Comments