top of page
Search
BULGAR

Palaban kahit independent… DOC WILLIE, P500K LANG ANG PONDO SA PAGTAKBONG SENADOR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 1, 2024



Showbiz News

Mismong si Doc Willie Ong ang nagkumpirma na tatakbo siyang senador sa 2025 elections. 


Napirmahan na raw niya ang mga kaukulang papeles para sa kanyang kandidatura, at ang kanyang maybahay na si Dra. Liza ang magpa-file ng kanyang candidacy sa COMELEC bukas, Oct. 2, 2024. 


Sa kabila ng mga batikos ng kanyang mga bashers, itutuloy pa rin ni Doc Willie Ong ang kanyang pagtakbo bilang senador. Independent candidate siya at wala siyang aanibang partido. Hindi rin siya tatanggap ng campaign fund sa sinumang sponsors. 


Naglaan si Doc Willie Ong ng budget na P500 thousand para sa kanyang gagastusin sa kampanya. Kahit hindi siya kasama sa survey ng Top 10 Senatoriables, hindi ito makakapigil sa pagtakbo ni Doc Willie bilang senador. 


Ang target daw niya ay makapasok man lang siya sa Top 12, kahit na siya na ang pinakahuli sa slot.


Kaya naman, nakikiusap siya sa sambayanang Pilipino na iboto siya sa darating na eleksiyon. 

Handang-handa na si Doc Willie sa maaaring mangyari sa kanya at sa magiging kapalaran niya sa pulitika. Sakaling makaligtas siya at gumaling sa sakit niyang Sarcoma cancer, ipagpapatuloy niya ang pangakong makatulong sa mga mahihirap nating kababayan na may sakit.

 

Alam ng lahat na malaki ang naging role at partisipasyon ni Willie Revillame sa pagkapanalo ni Sam Verzosa bilang kinatawan ng Tutok to Win Partylist. Malaking tulong ang kanyang araw-araw na exposure noon sa programang Wowowin ni Revillame, kaya nakilala siya ng marami. 

Bonggang publicity ang nakuha ni SV kaya siya naging congressman. Pinatunayan naman niyang maaasahan siya bilang isang public servant. 

Sa panahon ng kalamidad, lalo na noong panahon ng pandemic, ay malaki ang naibigay niyang tulong na idinaan niya sa programang Wowowin ni Willie. Lahat ng tulong na ibinigay ni Sam Verzosa ay galing sa sarili niyang pera.

Recently, nag-launch siya ng isang fundraising project, ang “Driven to Heal” upang makapagpatayo ng dialysis center at diagnostic laboratory sa Sampaloc, Manila. Ang kanyang koleksiyon ng luxury cars ay kanyang ipina-auction para sa nasabing project. 

Inaasahang aabot ng P200 milyon ang sales ng sampung luxury cars na binubuo ng Ferrari, BMW, Mercedes, Lamborghini, McLaren, Audi, atbp..

Tutuparin ni Cong. Sam Verzosa ang kanyang ipinangako sa mga residente ng Sampaloc, Manila na magpapatayo ng dialysis center at diagnostic laboratory sa Sampaloc kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Balak din ni SV na magtayo ng dialysis center at diagnostic laboratory sa iba pang lugar ng Maynila tulad ng Tondo, Sta. Ana, atbp..

Dahil sa kanyang pagkakawanggawa, matunog ang pangalan ni SV na tatakbong mayor ng Maynila. Mabibigat ang kanyang mga makakalaban sa puwesto at malaki rin ang campaign funds.

Kaya may mga nagtanong kay Rep. SV kung hindi ba siya nate-threaten sa ibang kandidato?  

“Tuloy ang laban, kahit ano ang mangyari,” sey ni Sam Verzosa. 

Ang mahalaga ay gusto niyang makatulong sa kapwa niya Manileño na may mga karamdaman. 

Isa sa mga naitanong din sa kanya ay kung isasama ba niya sa kanyang pangangampanya si Willie Revillame para iendorso siya?  

Aniya, “Ayaw kong mag-demand kay Kuya Willie dahil alam kong marami rin siyang pinagkakaabalahan. Pero kung tutulong siya ay labis kong pasasalamatan.”


 


MAHIGIT dalawang taon nang umeere sa GMA-7 ang top-rated seryeng Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Richard Yap at Carmina Villarroel. 

Sobrang saya ng buong cast dahil ilang beses na na-extend ang AKNP. Halos ayaw na nilang maghiwa-hiwalay at mami-miss nila ang isa’t isa. 

Bagama’t tanggap ng cast na magtatapos na ang serye, may lungkot pa rin silang nararamdaman at may “sepanx” (separation anxiety) ang buong cast. Napakatagal kasi ng kanilang pinagsamahan. Sina Carmina at Jillian ay gumanap na mag-ina sa serye.

Bukod sa AKNP, magpapaalam na rin sa ere ang programang Sarap, ‘Di Ba na tumagal din ng ilang taon.

Well, for sure, hindi naman mawawalan ng project si Carmina Villarroel sa GMA-7. Bukod sa bihasa na siya sa hosting, magaling din naman siyang umarte at kaya niyang gampanan ang kahit anong role. 

Talented din naman ang kambal niyang sina Mavy at Cassy na naging co-hosts niya, kaya hindi sila mababakante sa trabaho sa Kapuso Network.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page