top of page

Paisa-isa ang clue sa ka-date… CARLA, GALAWANG TEEN-AGER SA BAGONG LABS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 19, 2025



Carla Abellana - IG

Image: Carla Abellana - IG


Ang daming nakikialam sa post ni Carla Abellana tungkol sa mystery guy na kanyang nakaka-date. 


Sa first date, chin lang ng guy ang ipinasilip ng aktres at ang dami agad reaction, both positive anegative.


Sa second date, rubber shoes na suot ng ka-date ni Carla ang ipinost ng aktres at marami pa rin ang nag-react. 


Galawang teen-ager daw ang aktres na paisa-isa ang pagpo-post. After ng chin, shoes naman, ano raw kaya ang susunod?


Parang soft launch daw ang ginagawa ni Carla, bakit hindi na lang niya ipakilala ang guy na obvious namang nagpapasaya sa kanya? 


May nag-akusa pang nagpapapansin siya.


Marami ring dumepensa, hayaan daw si Carla sa gusto at ginagawa niya, wala naman siyang naapakang tao. 


Comment pa ng mga fans, naiinis lang daw ang iba dahil gusto na nilang makilala ang ka-date niya. Kaya lang, mukhang hindi pa ito ready to show to the world the mystery guy.


Anyway, napa-Google kami nang may magbanggit na ang sneakers na suot ng ka-date ni Carla ay Travis Scott at mahal siya. Nalaman naming ex ni Kylie Jenner si Travis, isang singer-rapper na nakipag-collab sa Nike para sa brand ng shoes.


Kung may hindi natutuwa sa paisa-isang pagpo-post ni Carla Abellana, mas marami ang masaya para sa kanya. Deserve raw niyang maging happy at handa silang hintayin kung kailan siya ready sa face and name reveal ng kanyang ka-date.



BELA, PINALAGAN ANG P4600 NA TAX SA SHAMPOO AT SKINCARE, SINAGOT NG BOC



MAY update si Bela Padilla sa isyu niya sa Bureau of Customs (BOC) kung saan ang paniniwala niya, mahal ang tax na sinisingil sa shipment niya worth P11,000. 

Ang hininging tax sa kanya ay P4,600. Based sa online calculator, dapat daw P1,650 lang ang babayaran.


Sumagot ang BOC kay Bela at in-assure siyang tama ang computation nila sa duties at taxes at based sa laws and regulation. 


Sa sagot ni Bela sa message ng BOC, nalaman na shampoo at skincare products ang binili niya online. Kung P11,000 ang worth ng binili niya plus P4,600 taxes, lalabas na P15,600 ang worth ng shampoo at skincare products. 


Curious tuloy ang mga netizens kung anong shampoo at skincare products ito at bakit mahal.


Anyway, sa latest post sa X (dating Twitter) ng lead actress ng 100 Awit Para Kay Stella (100 APKS), sabi niya, “One thing I will acknowledge and inform you guys about is that there is a change in staff in BOC.”


Ikinuwento ni Bela ang pagkakaiba ng approach sa kanya ng staff ngayon at ng staff few years ago na tumawag sa kanya nang magkaroon din siya ng problema sa BOC.


Aniya, “Yesterday, when someone from BOC reached out... he texted first to ask if I could take a call. And then we discussed why I was given the fee I posted. (By the way, hidden charges should not be hidden from people paying for it!) and I even asked why consumers are being taxed a total now of 27% for imported goods (this is a congress matter) + additional charges from the shipping companies. He promised to look into how shipping companies are pricing our deliveries too.”


Maayos ang pag-uusap ni Bela at ng tinawag niyang si Mr. Nepomuceno. It turned out na ang bagong BOC Commissioner na si Ariel Nepomuceno mismo ang kumausap sa kanya. 


Hopefully, masolusyunan nito ang mga problema sa BOC.


Samantala, ready na ang mga fans na mapanood ang 100 APKS. Handang muling masaktan ang mga fans sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana.



Ipinaboboykot ng DDS… ROMNICK, KINAMPIHAN SI VICE, TINAWAG NA LAOS



NA-BASH si Romnick Sarmenta dahil sinuportahan si Vice Ganda sa panawagang i-boycott ang McDonald’s (McDo) fast food chain at iba nitong ine-endorse na produkto dahil sa joke ng Unkabogable Star kay former President Rodrigo Duterte sa concert nila ni Regine Velasquez.


Nag-order si Romnick sa fast food chain kahit hindi siya gutom para lang ipakita ang suporta kay Vice. 


Hindi ‘yun nagustuhan ng mga supporters ng former president at binash siya.

Sa tweet niyang “Sa ingay ng pagtawag… Napa-order ako kahit ‘di naman masyadong gutom,” marami ang gumaya sa kanya.


May mga nagalit din at tinawag siyang laos at mababaw gaya ni Vice at dapat daw, hindi na siya pinapansin. 


Nang i-check ni Romnick ang profile, dalawa lang ang followers. Tanong nito, iiyak na ba siya, na lalong ikinainis ng mga nag-react.


Sey niya, “I’m perplexed. You guys say you don’t know me, call me names and say I am irrelevant... But you keep reposting, commenting, and are so affected by my posts? And you say I should move on? Interesting...”


Well, may ilang celebrities din na nakikisabay sa isyu na hindi na raw sila bibili sa McDo. ‘Kaloka!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page