top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pahiwatig na tutulungan ng BFF sa negosyong balak pasukin

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 24, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Lipa, Batangas.


Dear Maestra,

Una sa lahat, binabati ko kayo sa napakagandang column n’yo sa BULGAR dahil naliliwanagan kami sa kahulugan ng aming mga panaginip. Gayundin, nawawala ang pag-aalala at nakakapulot pa kami ng aral at gabay sa pang-araw-araw naming pamumuhay. May maliit akong tindahan sa kasalukuyan na siyang pinagkukunan ng aming panggastos sa araw-araw.

Napanaginipan ko na may dala akong balutan, napakabigat nito at halos hindi ko mabuhat. Regalo ‘yun sa akin ng matalik kong kaibigan na kadarating lang galing abroad. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Romeo


Sa iyo, Romeo,

Ang ibig sabihin ng balutan sa panaginip ay pagkalugi sa negosyo, pero buti na lang, ang sabi mo ay regalo sa iyo ng kaibigan mo na galing sa abroad ang balutan na halos hindi mo mabuhat dahil mabigat. Ito ay nangangahulugan na bigla na lang tatawag sa iyo ang kaibigan mong ito at may maganda siyang ibabalita na magdudulot sa iyo ng ibayong kasiyahan. May posibilidad na may kaugnayan ito sa bagong negosyong iniisip mo at malaki ang maitutulong niya sa iyo. Maaaring pahiramin ka niya ng puhunan na hindi mo na kailangang magbayad pa ng interes.


Kaya ngayon pa lang ay matuwa ka na dahil sa kabila ng pandemya, may dumarating pa ring pagpapala sa iyong buhay. Huwag mong kalilimutang magpasalamat sa Diyos sa mga grasyang dumarating. Ang Diyos ay palaging nakatunghay sa sinumang nangangailangan at Siya ay handang tumulong sa lahat ng nananalig sa Kanya at sumasamba nang walang alinlangan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page