top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pahiwatig na mapo-promote sa trabaho

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 06, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lydia ng Makati.


Dear Maestra,

Isa ako sa mga tagasubaybay ng inyong column. Nagtatrabaho ako sa isang sikat na kumpanya rito sa Makati. Natigil ako sa pagtatrabaho sa opisina namin, pero ipinagpatuloy ko rito sa bahay sa utos na rin ng boss namin sa dahilang napakahalaga ng trabaho ko at malaking kawalan sa kung tuluyan ko na itong ititigil.

Aliw na aliw ako sa pagbabasa ng column n’yo. Binabati ko kayo sa napakagandang column na ipinagkatiwala sa inyo. Nais kong malaman ang kahulugan ng aking panaginip. Napanaginipan ko na ako ay nanalo sa beauty contest dito sa aming lugar. Nilagyan ako ng korona at pinarangalan. Masayang-masaya ako at halos maiyak sa kaligayahan. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lydia


Sa iyo, Lydia,

Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa aking column. Mabuti naman at naaaliw ka sa pagbabasa nito.


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo dahil nakatakda kang ma-promote sa pinapasukan mo. Gayundin, inihahanda na ng boss mo ang paghirang sa iyo bilang head ng department na kinabibilangan mo. Ngayon pa lang ay binabati na kita sa iyong tagumpay. ‘Ika nga, kung may tiyaga, may nilaga. ‘Yan mismo ang nangyayari sa iyo. Gayundin, dagdag na salary pa ang nakatakdang ibigay sa iyo ng boss mo. Ipagpatuloy mo ang sipag at tiyaga upang tuloy-tuloy na ang iyong pag-unlad at pagyaman.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page