Pahirapan na raw makakuha... Shabu, taas-presyo kay PBBM

ni Maeng Santos @News | November 5, 2026

Photo: Jonvic Remulla at PNP sa pagsabat ng ilegal na droga - DILG Philippines
“Bago maging pangulo si BBM, ang shabu po ay P3,800 per gram. Ngayon ay P6,800 per gram. Ibig sabihin, ang supply mababa, nahihirapan sila kumuha.”
Ito ang naging pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla nang tanungin kung epektibo ang kampanya kontra droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang pahayag ay kasunod ng pagkakasamsam sa 200 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.36 bilyon, na sinasabing nagmula sa ibang bansa.





Comments