top of page
BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated.jpeg

P10K tinangay ng 2 holdaper... Guwardiya ng 7-Eleven, binaril sa ulo, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 5, 2026



Security guard na binaril ng holdaper sa Morong Rizal - CCTV Circulated

Photo: CCTV footage, nagkunwaring kostumer ang suspek bago bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap. Morong MPS / Circulated



Patay ang isang 29-anyos na security guard ng 7-Eleven matapos barilin sa ulo ng holdaper na tinangka niyang pigilan sa Brgy. Maybancal, Morong, Rizal, madaling-araw ng Martes, Nobyembre 3.


Batay sa CCTV footage, nagkunwaring kostumer ang suspek bago bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap. 


Tinangay nito ang pera sa kaha at ilang gamit habang nagsilbing lookout ang kanyang kasabwat.


Nang mapansin ng guwardiya ang panghoholdap sa CCTV, agad siyang lumabas upang pigilan ang suspek. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa malapitang barilin sa ulo ang biktima na agad nasawi.


Ayon sa pulisya, P10,000 ang natangay ng mga holdaper. 

Dalawang buwan pa lamang nagtatrabaho ang guwardiya at naiwan nito ang kanyang limang buwang gulang na anak.


Natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isa sa mga suspek at nagpapatuloy ang operasyon upang madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page