Pahirapan ang kita ng mga taxi drivers, help naman riyan!
- BULGAR

- Feb 5, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 5, 2021
Papakyaw na rin ng COVID-19 vaccine ang Red Cross.
Sasali na rin sila sa engrandeng negosyo!
◘◘◘
Dumarami na ang kaso ng nakawan.
As expected!
◘◘◘
Maraming reserbang dolyar ang Bangko Sentral.
Sintomas ‘yan ng krisis—dahil walang nais gumastos para magnegosyo!
◘◘◘
Nakaimbak lang ang dolyares sa vault dahil hindi ito ini-invest na siyang sukatan ng mas malusog na ekonomiya.
Maaaring wala ring naglalagak at nangungutang sa bangko.
‘Yan ay dahil wala nang kliyente at konsiyumer!
◘◘◘
Kung magbubukas ka ng negosyo ngayon gayung alam mong kakaunti ang customer o konsiyumer, handa ka bang magpakalugi sa loob ng 6 hanggang 12 buwan?
Sino’ng baliw, itaas ang kaliwang kamay!
◘◘◘
Nahihirapan ang mga taxi driver na bayaran ang boundry.
Nagkakasya sila sa average P500 entrega kay misis na dalawang araw na ibabadyet kasama ang bayad-utang sa Bumbay!
◘◘◘
Maraming taxi units ang nasa garahe lang.
Kakaunti na ang driver na nagboboluntaryong magpaloko sa operators!
◘◘◘
Lugi rin ang operators dahil kakaunti ang pumapasadang units.
Ganyan din ang sitwasyon sa tricycle, jeep, bus, barko at eroplano.
Hindi ‘yan biro—isa itong krisis na walang kapantay!
◘◘◘
Sarado rin ang mga clubs, beerhouses, restaurant, motel, hotel at karenderya.
Isang eksena ito ng serye ng mga ghost town sa paligid!
◘◘◘
Ang mga negosyong nakabukas at empleadong nagtatrabaho—ay naghaharimunan lang sa panggastos para may makain.
Marami ay inaaway na ng mga pinagkakautangan!
◘◘◘
Gusto ng mga airlines na bigyan din ng milyun-milyong ayuda mula sa gobyerno.
Kumbaga ang pera ng bayan ay isasaklolo sa mga kroni at buwitre!
◘◘◘
Bawal ang face-to-face campaign sa 2022 election.
Nag-abiso na si meyor!
‘Yung pambili ng boto, igi-GCash na lang daw!





Comments