top of page

Pahayag nina Sen. Imee, Rep. Pulong, halatang planado, scripted — Castro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19
  • 1 min read

by Info @News | November 19, 2025



Claire Csstro, Imee Marcos at Pulong Duterte

Photo File: Claire Csstro, Imee Marcos at Pulong Duterte



Sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na halatang planado at scripted ang mga pahayag nina Sen. Imee Marcos at Cong. Paolo ‘Pulong’ Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos at sa First Family.


“Ano bang tinutumbok ni Senator Imee rito? Halata namang planado, halata namang scripted, tingnan n’yo ‘yung papel niya gaano kakapal, binasa niya pa,” ayon kay Castro.


Dagdag pa niya, “Ibig sabihin, coordinated ang moves nila — desperado para masira ang Pangulo.”


“Anong magagawa ng paninira sa Pangulo? Ang Pangulo na nagpapaimbestiga ng korupsiyon, nagpapaimbestiga ng maaaring sangkot sa korupsiyon, gusto niyang patigilin? At gusto niyang pauwiin ang Pangulo, saan? Mawala sa pwesto? Sino ipapapalit niya? Si VP Sara?” saad pa nito.


Binigyang-diin din niya na si Vice President Sara Duterte ay isa umanong anak ng korap na umamin mismong nagnakaw sa bayan at sangkot sa mga isyu sa korupsiyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nareresolba.


“‘Yun ba ang gusto nating ipalit ngayon sa Pangulo?” tanong pa nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page