top of page

Pahayag ng PhilHealth sa anunsyo ng pangulo ukol sa pagbabalik ng pondo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2025
  • 1 min read

by Info @Brand Zone | September 23, 2025





Malugod na tinatanggap ng PhilHealth ang anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagbabalik ng P60 Bilyong pondo sa PhilHealth. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa kanyang patuloy na suporta at malasakit sa pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan upang tiyakin na ang bawat Pilipino ay makatanggap ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.


Ang mahalagang hakbang na ito ay patunay na tiwala ang pamahalaan sa kakayahan ng PhilHealth na magbigay ng proteksyong pampinansyal sa lahat ng Pilipino.





Ipinapangako namin na ang pondong ito ay gagamitin nang may buong katapatan, integridad, at transparency. Ito ay upang higit pang mapabuti at mapanatili ang mga benepisyong natatanggap ng aming mga miyembro, lalo na sa harap ng tumataas na gastusing medikal at nagbabagong pangangailangan sa kalusugan.


Nanatiling matatag ang PhilHealth sa misyon nitong maghatid ng Mabilis, Patas, at Mapagkakatiwalaang serbisyong pangkalusugan. Makakaasa kayong patuloy naming pagsusumikapang pagandahin at palawakin ang aming mga benepisyo.


Kasama ang pambansang pamahalaan at iba pang katuwang, sama-sama nating iangat ang antas ng kalusugan sa Bagong Pilipinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page