top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagtutulungan ng LGUs at COMELEC, solusyon sa mapayapa at sistematikong pagpaparehistro

  • BULGAR
  • Oct 7, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 07, 2021


Sa susunod na linggo, o pagkatapos ng filing of candidacy ng mga tatakbo sa Halalan 2022 ay magpapatuloy ang voter registration.


Inaprubahan ng Commission on Elections en banc ang panukalang palawigin ang pagrehistro mula October 11 hanggang October 30.


Bago nito, ipinasa ng Senado ang Senate Bill (SB) No. 2408 na naglalayong i-extend ang naturang registration lagpas sa orihinal na September 30 deadline.


☻☻☻


Sana’y samantalahin ito ng mga hindi pa rehistradong botante, lalo na ng mga kabataan, ang extension ng voter registration.


Mahalagang referendum ang halalan sa susunod na taon na magtatakda ng direksiyong tatahakin natin, lalo na sa usapin ng muling pagbangon ng bansa sa dagok ng pandemya.


Halalan para sa kinabukasan ang darating na eleksiyon, at nararapat lamang na dumami pa ang kabataang boboto sa susunod na taon.


Ayon sa Comelec, 52 percent ng total registered voters ay kabataan. 31.41 milyon mula sa 60.46 milyong Pilipinong nakapagrehistro as of July ang nasa age group na 18 hanggang 40 years old, na classified bilang youth vote.


☻☻☻


Umaasa rin tayong makipagtulungan ang mga lokal na pamahalaan sa local Comelec offices para masigurong ligtas, maayos at maginhawa ang proseso ng registration lalo pa’t inaasahan ang pagdagsa ng mga nais magparehistro.


Ang paglaan ng mga tent bilang proteksiyon sa ulan at init, electric fan para sa maayos na bentilasyon, at marshal na magtataguyod ng seguridad at kaayusan ay ilan lamang sa mga maaaring maitulong ng mga LGU.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page